^

PSN Opinyon

Region IV-A Director Gen. Perfecto Palad, humanda ka!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PATULOY ang paglaganap ng mga kasong Hulidap sa hanay ng Philippine National Police sa Metro Manila at maging sa mga probinsiya.

Sa kabila ng kampanya ng pamunuan ng PNP na ma­su­gpo ang mga kasong HULIDAP, lalo pa itong tumataas.

Agosto 28, alas-10 ng gabi, naganap ang isa na na­mang kaso ng hulidap na kinasangkutan ng mga pulis Hilltop ng Taytay, Rizal. Inilapit ito sa BITAG ng mismong biktima.

Ang kanilang pangunahing biktima ay ang mister na plinantahan ng droga sa bulsa nito. Kapalit ng kaniyang paglaya, humingi ang apat na suspek na pulis Hilltop ng halagang P50,000.

Ang masahol dito, ang kaniyang misis na pinag­ha­hanap ng perang pambayad, nagahasa sa isang resort motel na malapit sa kampo kasama ang mga suspek na pulis.

Sapilitang naisagawa ang panggagahasa sa misis ng biktima sa dahilang tinakot ito na papatayin ang kaniyang mister kung hindi ito sumunod sa kanilang kahilingan na magpagamit.

Hindi pa nakuntento itong mga pulis Hilltop, Taytay sa kanilang kababuyan at kamanyakan, kinuha ang motor­siklo ng biktima saka pa lang pinalaya ang mag-asawa.

Isang araw lang ang lumipas, tuloy pa rin ang pangi­ngikil ng mga putok sa buhong pulis Hilltop, Taytay sa pa­ma­magitan ng kanilang pagtetext at pagtawag sa mag-asawa. Ipinatutubos ng beinte singko mil ang motor ng bikti­ma sa mga lugar na kung saan isasagawa raw ang abutan ng pera.

Agad kumilos ang BITAG sa tulong ng Mission X na ilapit ang kasong ito sa CIDG-CIDD sa Camp Crame para maikasa ang entrapment operation laban sa mga suspek.

Panoorin ang detalye bukas sa IBC 13 at sa Lunes sa UNTV sa imbestigasyong gi­nawa ng BITAG.

Ngayon pa lang, pinaha­handa na namin si Region IV-A Director Gen. Perfecto Palad sa kahayupan ng kaniyang mga pulis sa Hilltop Provincial Headquarters sa Taytay Rizal.

At para sa’yo Gen. Palad, huwag mong subukan na pag­taguan ang BITAG, ibahin mo kami!

vuukle comment

A DIRECTOR GEN

CAMP CRAME

HILLTOP PROVINCIAL HEADQUARTERS

METRO MANILA

MISSION X

PERFECTO PALAD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with