^

PSN Opinyon

Si Cuan, UST Jrs. basketball assistant coach

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SAKIT ng ulo ang aabutin ni Japs Cuan, ang na laos na basketball player at ‘bastos’ na assisitant coach ng University of Sto. Tomas.

Bakit?

Sagot-dahil sa kababuyan ng bunganga ni Cuan, irereklamo at sasampahan ng demanda sa San Juan City Prosecutors Office ng magulang ng isang menor-de-edad na basketball player ng University of the Philippines Integrated School na minura nito at tinakot.

Sabi nga, humanda ka, lagot ka!

Ika nga, sakit ng ulo at abala ang aabutin mo!

Kaya be ready. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagulantang ang ilang nanonood sa Arena gym, San Juan City last Tuesday morning after the game ng Uste at UPIS Juniors Fighting Maroons dahil minura at tinakot ni Cuan ang batang-UPIS.

Si Cuan, ang na laos na player sa basketball ay ‘bastos’ ang bu­nganga dahil gusto niyang ipakita sa mga menor-de-edad na player ng Uste na kayang-kaya niyang takutin at murahin ang batang UPIS.

Imbes na awatin ni Cuan ang nag-iinit na player niya ay kinampihan pa niya ito at inurot na ayawin ang batang UPIS.

Sabi nga, inurot para magpasiklab?

Hindi basta - basta eskuelahan ang Uste, sa alam ng mga player ng UPIS, isa itong alcoholic este mali catholic school pala pero ang problema nga lang nakakuha sila ng ‘bastos’ na assistant coach at baboy pa ang bunganga kasi nga pinatulan pa ang batang UPIS.

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang mas may isip pa ang menor-de-edad na minura at tinakot nito kaysa kay Cuan, ang laos na basketball player.

Bakit-malutong na mura kasi at tinakot pa ni konan este mali Cuan pala, ang laos na basketball player ang batang UPIS.

Sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon ng kaunting saltikan ang dalawang menor-de-edad na player ng UPIS at Uste habang naglalaro sila siempre hindi ito maiiwasan dahil basketball ang laro.

Ika nga, physcial game.

Ang masama nag-asal Abu sayad este mali Sayyaf pala si Cuan, ang ‘bastos’ na assistant coach ng Uste ng murahin nito at takutin ang pobreng bata.

Kaya sa takot at sa inabot na kahihiyan sa mga nakarinig ay napa-iyak na lamang ang kawawang nilalang ng Dios.

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na makaharap ng ‘bastos’ na si Cuan, ang magulang ng menor-de-edad na minura nito at tinakot tiyak luluhod ito para mag-communion este mali humingi pala ng tawad.

Totoo ba iyan?

Kamote, gusto mong pumusta na maaabala at sasakit ang ulo ni Cuan.

Ang hindi alam ng ‘bastos’ na UST assistant coach na alumni din sa Uste ang mommy ng menor-de-edad na minura nito at tinakot nito.

Isa pa FISCAL ang ermat!

Kaya lagot ka, Cuan!

Bakit?

Kasong umaatikabo ang haharapin mo sa San Juan City Prosecutors Office at baka ipa-ban ka pa sa Arena gym dahil susulatan pa ng magulang ng batang minura mo at tinakot si San Juan Mayor JV Ejercito, ang UST at UAAP Commission sa inasal mo sa loob ng basketball court.

Hindi yata nagbabasa si Cuan, sa ipinaskel na rules and regulation ni Mayor JV sa tabi ng players entrance gate.

May mga rules and regulation todits kaya basahin mong mabuti.

Kaya lagot ka!

Sabi nga, humanap ka ng magaling na abu-gago este mali abogado pala.

Hindi yata inisip ni Cuan, ang bastos na UST Jrs., assistant coach na bata, isipin mong mabuti bata ang minura at tinakot mo.

Uulitin ko lagot ka, tiyak may kaso ka. Hehehe!

Bhe, buti nga. Nagkaroon ka ng katapat.

Abangan.

Pampanga Rep. Mikey Arroyo

MUKHANG hindi malunok ng madlang people sa Philippines my Philippines ang katuwiran ni Mikey regarding sa pagdami ng pitsa nito.

Sabi nga, multi-millionaire ang anak ng panggulo este mali Pangulo pala.

Ayaw tantanan si Mikey ng mga critic nito dahil hindi daw ito nagsasabi ng totoo.

Ika nga, nagsisinungaling.

Bigla kasing kumapal ang pitsa ni Mikey mula 2005 up to this point.

Ayon sa mga critic. year - 2005 ay P5 million lang ang deklaradong asset ni Mikey ngayon halos hindi na mabilang.

Naku ha!

May haybol pang binili sa tate na ipinangalan nito sa kanyang watot kaya naman subject si Congressman ng mga batikos ngayon.

‘Magsabi kaya ng totoo si Mikey?’ Tanong ng kuwagong inggitero.

‘Nagpapaliwanag na nga pero mukhang walang maniwala’ sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘Ano ang gusto nilang paliwanag?’

‘Siempre ang magsabi ng totoo.’

Abangan.

CUAN

KAYA

LSQUO

MIKEY

NITO

PLAYER

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with