^

PSN Opinyon

Bisitahin ang unang medical museum sa Pilipinas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

INIIMBITAHAN namin kayong dumalaw sa isang ka­kaibang medical museum sa Pilipinas. Para sa mga nars, doktor, dentista at health workers, ito na ang pag­kaka-taon ninyong malaman ang kasaysayan ng kalu­sugan (health sector) sa Pilipinas.

Alamin kung paano nagsimula ang gamutan sa Pili­pinas, mula noong panahon ng mga Kastila, Amerikano, Hapones at sa kasalukuyan.

Ayon kay Julie Ong-Alonzo, chairperson ng medical museum, ang layunin nito ay para magbigay inspirasyon sa mga nars, doktor, dentista at health-related profession sa Pilipinas. Isang layunin din ng medical museum ay ang pangalagaan ang memorya ng magagaling na-ting health workers.

Sundin po natin ang payo ni Dr. Jose Rizal na nagsa­bing, “Kung sino ang hindi marunong tumingin sa pinang­galingan ay hindi makararating sa pinaroroonan.” Ito ang dahilan kung bakit dapat alamin ng lahat ng estudyante ang kasaysayan ng kalusugan sa Pilipinas.

Bakit magandang dumalaw sa medical museum?

1. May 11 taon nilikom ang kagamitan sa Co Tec Tai Medical Museum. Nanggaling pa ito sa America, Spain at Japan.

2. May 3,000 kakaibang litrato, aparato at memorabilia tungkol sa medical at nursing profession ang matu­tung­hayan ninyo.

3. Walang entrance fee. Dahil ang layunin ng medical museum ay makatulong sa ating bansa, libre ito para sa publiko.

4. Para sa malalaking grupo (mga 40 estudyante pata­as), may libreng special lecture si Mr. Wilson Ong, Jr., MBA, ang director at lecturer ng Co Tec Tai Medical Museum. Magaling na spea­­ker si Mr. Wilson at laging iniimbitahan ng UP College of Medicine at DLSU College of Medicine.

5. May halos 15,000 es­tudyante na ang dumalaw sa Co Tec Tai Medical Museum. Sa aking palagay, nagiging mas matalino at mas malawak ang isipan ng estudyante kapag naka­dalaw sa medical museum. Siguradong marami ka-yong matututunan dito.

Paano dadalaw sa

museum?

Matatagpuan ang CoTec Tai Medical Museum sa 2643 Taft Avenue Pa- say City (sa pagitan ng EDSA Rotonda at Libertad Street station ng MRT. Bu­kas ang museum Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. - 5 p.m.

Para sa mga grupo ng es­tudyante na gustong du­malaw, mag-appointment lamang sa 831-8904 o 833-8292.

Puwede ding mag-email sa [email protected]

Sa mga titser at estud­yante, dumalaw na sa me­di­­cal museum habang li-bre pa!

CO TEC TAI MEDICAL MUSEUM

COLLEGE OF MEDICINE

DR. JOSE RIZAL

JULIE ONG-ALONZO

LIBERTAD STREET

MEDICAL

MR. WILSON

MUSEUM

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with