Sui generis Miriam
MULA pa nang unang naging public figure si Sen. Miriam Defensor Santiago, kakaibang personalidad ang ipinakita niya. She is the only person who can insult peo-ple with ugly monickers ang namecalls and get away with it.
Siya lang ang taong puwedeng magsabi na magba-baril siya sa sarili o tatalon mula sa lumilipad na eroplano kapag hindi nangyari ang kanyang inaasahan. Kapag nabigo ang kanyang inaasahan ay sasabihin niyang “I lied” kasabay ng malutong na halakhak.
Di ko na matandaan kung sinu-sino ang binansagan niya noon ng “fungus face” o mukhang alipunga. Sa ti-ngin ko, kung ibang tao lang ang nangusap nang ganoon ay nademanda na.
Siguro kahit lumipas pa ang daang taon ay wala nang katulad ni Sen. Santiago ang susulpot pa sa mundong ito. One of a kind talaga. Sabi nga sa Latin: “Sui generis.”
Kamakailan, kinondena ng Supreme Court si Sen. Miriam Defensor Santiago sa “pambabastos” at kawalang galang sa mga mahistrado na tinawag niyang “tanga” (idiots) matapos na mabigo siyang masungkit ang posisyon sa Korte Suprema noong 2006. Nagreklamo kasi ang isang Antero Pobre laban sa walang modong sali-tang binitiwan ni Santiago sa mga mahistrado sa pana-hon ni Chief Justice Artemio Panganiban.
Pinatatanggalan pa nga ng lisensya si Santiago bi-lang abogado pero hindi ito pinagbigyan ng Mataas na Hukuman. Anang Korte: “Tanging ang respeto ng korte sa “separation of powers”at “parliamentary immunity” ng mambabatas ang pumigil sa mga mahistrado na tuluyang sibakin sa pagiging abogado si Santiago.
Iyan ang Miriam Defensor Santiago. Nag-iisa at walang katulad. Salamat sa Diyos.
- Latest
- Trending