^

PSN Opinyon

Bakit ngayon lang uli nag-iingay si Gordon?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ME katwirang magmaktol ang mga congressmen at local government officials sa plano ni Sen. Dick Gordon na buksan muli ang hearing ng ZTE/NBN deal. Tama lang ang puna ni Rep. Elpidio Barzaga Jr., na sayang lang ang oras at walang patutunguhang maganda ang pagbukas ng Senate hearing nga. Sinabi pa ni Barzaga na ang naturang isyu ay natapos na at sana ay ‘wag nang gamitin ang isyu laban ke First Gentleman Jose Miguel Arroyo para umani ng pogi points ang mga pulitiko. Kung saba-gay, malapit na ang 2010 elections kaya marami nang pulitiko ang pumupustura. Ang masama lang niyan, si FG Arroyo na naman ang gagawing punching bag para itu-lak ang tsansa nila sa pulitika. Wala na ba kayong ma-isip na ibang gimik mga Sirs?

Ano pa kaya ang gustong palabasin ni Gordon eh nagsalita na ang Ombudsman tungkol sa isyu? Di ba pinawalang-sala ng Ombudsman si FG Arroyo samantalang sina dating Comelec chairman Benjamin Abalos at SSS Administrator Romulo Neri naman ay pinakasuhan. Hindi pa ba kuntento ang mga pulitiko sa desisyon ng Ombudsman? Kaya tama rin ang puna ni Rep. Antonio Alvarez, ng 1st district ng Palawan, na ang pagbukas ng Senate hearing sa ZTE deal ay pang-iinsulto lang sa Ombudsman. At bakit ginigiit kaagad ni dating House Speaker Jose de Venecia na imbitahan si FG Arroyo sa pagbukas ng hearing? Unfair, di ba mga suki? Sa totoo lang, ani Alva-rez, dapat kasuhan din sa korte si JDV at mga whistle-blower na anak at namesake niya na si Joey at Jun Lozada dahil inamin naman nila sa testimonya nila na may interes din silang mapasakanila ang kontrata na nakuha nga ng ZTE ng China.’’ Kung sabagay, kanya-kanyang gimik  lang ‘yan, di ba mga suki?

Kaya lang ang puna ng mga nakausap ko bakit sa ngayon lang nag-iingay ang komite ni Gordon? Bakit kailangang buhayin ang patay na isyu habang ang bansa ay naghihirap dahil sa global recession? Kung hindi puliti-ka ito eh ano? Aba, si Gordon lang at mga kakutsaba niya ang makasasagot ng tanong na ‘yan.

Kaya sa mga susunod na araw, magsasagutan na naman ang mga pulitiko sa pagbubukas ng Senate hearing sa ZTE deal. Makakalimutan na naman ang kahirapang hinaharap ng karamihan sa 93 milyong Pinoy. Habang walang pagkain sa hapag kainan ang mga mahihirap, gagastahin lang ng komite ni Sen. Gordon ang pondo niya sa walang katuturang bagay. Kaya’t itong mga “palabas’ ng mga pulitiko ay dapat bigyan pansin ng mga botante para sa darating na elections ay hindi sila magkamali sa pagsulat sa balota. Tandaan n’yo nga suki kung sinu-sino ang mahilig magpapogi habang walang laman ang inyong mga tiyan. Husgahan sila para hindi na pamarisan pa ng ating mga mahilig pomorma na pulitiko subalit walang bill na ipinasa.

ADMINISTRATOR ROMULO NERI

ANTONIO ALVAREZ

BENJAMIN ABALOS

DICK GORDON

ELPIDIO BARZAGA JR.

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

GORDON

KAYA

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with