Brokers ni Abalos ni hindi inusisa

MERONG kahina-hinala sa Ombudsman investigation sa ZTE scam. Bukod ito sa pagpapawalang-sala sa    pumirma sa kontrata na Sec. Larry Mendoza at mga uma­yos ng presyo na Asst. Secs. Lorenzo Formoso at Elmer Soñeja. Malaking himala na ni hindi inusisa ng anti-graft agency ang binistong kapwa-brokers ni dating Come-      lec chairman Benjamin Abalos sa ZTE deal. Ito sina Ru-ben Reyes, Leo San Miguel, retired police general Qui-rino dela Torre, at Jimmy Paz.

Nakakapagpa-hinala tuloy. Ito kaya’y para pahinain     ang kaso laban kay Abalos — tulad ng pagpapahina ng Ombudsman ng mga naunang habla laban sa iba pang      mga kaibigan ng Malacañang? (Isa sa impeachment               complaints ngayon laban kay Ombudsman Merceditas Gutier­rez ay ang moro-morong kaso laban kay dating   boss na justice secretary Hernando Perez, kaya tuloy ma­bi­lis inab­suwelto ng Sandiganbayan.)

Kung inusisa ang apat na kapwa-brokers ni Abalos, malamang na naihabla rin sila. At kung naihabla sila ay lalakas naman ang ebidensiya laban kay Abalos.

Maaalalang unang naglantad si Joey de Venecia III sa papel ng apat sa ZTE scam. Aniya kasama palagi sila ni Abalos dahil sa mga papel nila para sa ZTE. Si Reyes ang taga­­singil ng suhol, si San Miguel ang tagapino ng technical specifications ng broadband network, si dela Torre ang golf mate na nagpakilala kay Abalos sa nau-nang dalawa, at si Paz chief of staff ni Abalos sa Comelec. Naroon sila sa hotel sa Shenzhen nang pag-usapan ang mga komis­yon mula sa ZTE. Naroon din sila sa mga         pu­long sa Wack-Wack Golf and Country Club para pala-yasin si De Venecia mula sa deal.

Pinagtibay ng isa pang whistleblower na si Dante Madriaga ang testimonya ni De Venecia. Bilang technical man ni San Miguel, alam din ni Madriaga kung magkano ang suhulang naganap sa Shenzhen at Maynila.

* * *

Lumiham sa jariusbondoc @workmail.com

Show comments