^

PSN Opinyon

Imbestigasyon sa pagkalustay ng MMFF funds

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

TULOY ang pagsusulong ng paglipat ng pamamahala ng Metro Manila Film Festival (MMFF) mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) patungo sa kamay ng mismong mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino.

Ito ang binigyang-diin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estra­da, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, na isa ring beteranong aktor.

Kamakailan, nagsagawa muli ng public hearing ang Senate Blue Ribbon committee tungkol sa pagkalustay ng pondo ng MMFF imbes na magamit ito para sa pagpa­paunlad ng Filipino film industry at sa pagsuporta sa mga manggagawa sa industriya.

 Nangunguna sa mga kuwestyunableng nangyari sa pondo ng MMFF ay ang pagbibigay ng malaking bahagi nito bilang cash gift kay MMDA Chairman Bayani Fer­nando tuwing birthday niya.

Malinaw sa mga datos at resibo, at inamin naman ni Fernando, na sa sunod-sunod na apat na taon ay tumang­gap siya nang malaking perang regalo mula sa MMFF na pinangangasiwaan ng kanyang ahensiya. Ito ay P500,000 noong 2003; 500,000 din noong 2004; 100,000 noong 2005: at 500,000 muli noong 2006, o kabuuang P1.6 milyon.

Ang ganitong kuwestyunableng paggamit ng pondo ng MMFF ay sa ilalim lang ng termino ni Fernando nang­yari. Ito ay napaka-unethical, imoral at maanomalya, at    tini­tingnang magiging kaso ng “technical malversation” laban kay Fernando dahil “public funds” ang nasabing pera.

Dahil din sa pagkalustay ng pondo ay hindi tuloy gaa­nong naaasikaso ang MMFF, hindi natutulungan nang ga­nap ang local film industry at hindi nabibigyan ng sapat na suporta ang mga mang-ga­gawa sa industriya. Kaila­ngan na talagang ilipat ang pama­mahala ng MMFF sa mis­mong mga nagtatrabaho at nag­mamalasakit sa indus­tri­yang ito.

Sa mga gustong sumu- lat kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Es­trada, ipadala ito sa kan­yang tangga­pan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Com­plex, Pasay City.

CHAIRMAN BAYANI FER

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

FERNANDO

LABOR AND EMPLOYMENT

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with