^

PSN Opinyon

Mababang sukatan, maling kumpromiso

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SIXTY SIX percent na raw ang pasadong grado sa Grade 6 ng mga pampublikong paaralan. Sa gradong ito, mga kalahati ng mga mag-aaral ang papasa para sa high school. Mas gumanda na raw ito kaysa sa nakaraang taon na 55%. Kaya ang tanong, mabuti ba ito o masama? Mas maganda bang tingnan ang maraming pumasa dahil binaba ang passing na grado, o iyong konti lang na pumasa pero mataas ang gradong nakuha? Ayon kay Sen. Mar Roxas, di raw kaya niloloko lang natin ang ating sarili? Ito malamang ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng ibang bansa sa kalidad ng edukasyon natin, dahil mababa naman ang pasadong grado.

Sino ba ang may ayaw ng mataas na grado? Ipapasa mo na lang ba ang isang mag-aaral sa mababang grado, o mas gusto mong ipasa dahil matalino ang bata? Ma­dalas nating marinig ang salitang pasang-awa. Parang ganito ang mangyayari sa mga estudyanteng ipapasa sa mababang grado. At pagsampa nila ng high school, mahihirapan din dahil kulang nga ang kakayahan. Naiinis ako kapag tinatawag na “diploma mill” ang Pilipinas. Pero kung ganyan naman ang mga pinapasang estudyante, ano naman ang itatawag sa Pilipinas ngayon?

Maraming problema ang edukasyon sa Pilipinas. Kulang na pondo, kulang na guro, kulang na libro, mga maling libro, mga masasamang gusali, masasamang kubeta! Napakaraming kailangang gawin para gumanda ang edukasyon sa bansa. Pero hindi ito dahilan para ibaba ang sukatan ng mga pumapasang mag-aaral. Lalong lalaki lang ang agwat ng mga nag-aral sa pampublikong paaralan sa mga nag-aral sa pribadong paaralan. Baka hindi pa makapasok sa University of the Philippines, kolehiyo ng iskolar ng bayan. Marami na ang nagrereklamo na mga mayayaman din ang nakaka­pasok sa UP, at hindi mga nararapat na mahihirap. Pero paano makaka-kompetensiya ang mga nanggaling sa mga pampublikong paaralan sa mga pribado, kung mababa nga ang sukatan?

Ang mag-aaral ang dapat sumusunod sa pasadong grado, at hindi kabaliktaran. Kumpromisong mali ang mang­­yayari. Panahon na para makilala ang Pilipinong mag-aaral na matalino at hindi bunga ng ugaling “puwede na”.

AYON

GRADO

IPAPASA

KAYA

MAR ROXAS

PERO

PILIPINAS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with