^

PSN Opinyon

Bro. Eddie sa 'top 10'

- Al G. Pedroche -

BATAY sa latest survey ng Pulse Asia, si Sen. Manuel Villar ang “number one choice” ng nakararaming Pilipino sa hanay ng mga tatakbo sa pagka-presidente sa 2010. Iyan ay kung ngayon idaraos ang eleksyon.

Pero kapuna-puna na si Bangon Pilipinas leader Bro. Eddie Villanueva lang ang tanging alternative candidate at non-traditional politician sa top ten choices, ayon sa survey.

Nahigitan pa ni Bro. Eddie sina Chief Justice Reynato Puno, Defense Secretary Gilberto Teodoro at si Pam­panga Governor Ed Panlilio na pawang nagtamo lang ng mababa pa sa isang porsyentong rating.

Mula ngayon hanggang sa May 2010, marami pa ang mangyayari. Naniniwala ako na ang kalooban ng Diyos ang maghahari. Iyan ang dapat nating ipanalangin kung ang hangad natin ay magkaroon ng tunay na reporma sa ating bansa na matagal nang dumaranas ng hirap.

At ang kalooban ng Diyos ay ang pagtatamo ng isang matuwid at may takot sa Diyos na leader na hahango sa Pilipinas sa kahirapan. Isang pinuno na ang tanging agenda ay para sa ikabubuti ng bawat mamamayang Pilipino.

Ang nakikita ko kasi sa ngayon, walang ibig magpa­raya sa oposisyon. Lahat ng nag-aakalang mayroong potensyal mag-presidente ay ayaw magbigay para sa isang common candidate. Kaya kahit si Villar pa ang lumalabas na numero uno sa survey, kung hindi siya pagbibigyan ng ibang kaalyado sa oposisyon, baka hindi siya manalo.

Kung labu-labong labanan ang mangyayari, siguro ay gan­yan ang kalooban ng Diyos para maisulong ang divine agenda niya.

Kung mangyayari kasi iyan, watak at hati ang botong mata­tamo ng opoisisyon. Ito’y advantage para sa isang alternatibong kandidatong gaya ni Bro. Eddie na nasa pang-sampung pu­westo ngayon. Wika nga, nasa loob siya ng “magic circle”.

Ang pagkakahati ng oposis­yon ay hindi ko nakikitang pa­pabor sa administrasyon na may­roon ngayong stigma dahil sa pa­ngit na reputasyong naka­kulapol sa administrasyong Arroyo.

At dahil nag-alam muli ang diwa ng nasyunalismo sa mga Pilipino, makakaasa tayo na ang mga botante ay boboto ayon sa kanilang puso na ang tanging intensyon sa isip ay ang ikabubuti ng bayan.

BANGON PILIPINAS

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEODORO

DIYOS

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

GOVERNOR ED PANLILIO

IYAN

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with