^

PSN Opinyon

$6-B inuwi mula US hindi pala totoo

SAPOL - Jarius Bondoc -

SA gitna ng batikos sa dalawang marangyang P1.75-milyon hapunan ni Gloria Arroyo sa America, tinangkang manggulat ni Press Sec. Cerge Remonde. Hoy, aniya, maliit lang ‘yang halaga ng kinain kung itutumbas sa $6.2 bilyong investments na inuwi ng Presidente mula sa US. Kesyo raw pasalubong ni Arroyo sa atin ang $136-milyong security aid, $350-milyong grant mula sa Millennium Challenge Corp., $1.6-bilyong Generalized System of Preferences 9GSP), $198-milyong bayad sa mga beteranong Pilipino, $1-bilyong garment export quota, at $1.2-bilyong bagong negosyo. Dagdag pa raw ang $1-bilyong expan­sion ng Coca Cola sa Pilipinas, na nauna nang ipinasok ang $300 milyon.

Sa pagsusuri, lumang kuwento na pala ang ilan sa mga inulat, at ang labi ay pagbibilang ng sisiw bago pa man mapisa ang itlog. Sa totoo lang:

• Ang $350-milyong Millennium grant ay hindi pa apru­bado ng Washington. Nakasalalay ito sa paglilinis ni    Arroyo ng gobyerno, na ngayo’y nabibilang sa mga pinaka-tiwali sa mundo;

• Ang $1-bilyong garment quota ay panukalang batas pa lang ni Rep. Jim McDermott nu’ng Hunyo, na tatala­kayin sa darating pang taon, at kikitain ng Pilipinas ang halaga sa 2011 kung sakaling maisabatas ito;

• Ang $198-milyong para sa mga beterano ay isina­batas sa tulong ni Barack Obama noon pang Pebrero, at halos tapos na silang bayarang lahat;

• Ang $1.6-bilyong GSP ay listahan ng 5,000 pro­duktong aangkatin ng US nang duty-free pero ni hindi nga mapunuan ng Pilipinas; at

• Ang nalalabi sa $1-bilyong expansion ng Coca Cola ay papasok sa Pilipinas limang taon pa mula ngayon.

Walang pinagkaiba sa ZTE deal ang pinagma­malaki ni Remonde na “investments” kuno. Pinala-bas nila na bagong pera raw ang $330-milyong broad­band telecoms mula China. ‘Yun pala uutangin ito ng Pilipinas sa loob ng 20 taon, at may “tongpats” pang $200 milyon o P10 bil­yon. Kikita agad ang ka­wa­tan pero dalawang deka­dang nating pagdudu­sahan.


BARACK OBAMA

BILYONG

CERGE REMONDE

COCA COLA

GENERALIZED SYSTEM OF PREFERENCES

GLORIA ARROYO

MILLENNIUM CHALLENGE CORP

PILIPINAS

PRESS SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with