^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nagtitipid nga ba?

-

KAPAG nagkakaroon ng oil increase, madalas na ang panawagan ng Arroyo administration ay magtipid. Nang sumagasa ang financial crisis sa mundo, wala ring ibang bukambibig ang adminis­trasyon kundi magtipid. Hindi lamang sa gasolina, kuryente at tubig kundi pati na rin sa mga gastusin dapat daw magtipid. Maganda naman ang kanilang kampanya at katanggap-tanggap.

Pero nang mapabalita noong nakaraang linggo na sumobra ng isang bilyong piso ang nagastos ni President Arroyo sa kanyang mga pagbibiyahe, biglang isang malaking kuwestiyon mark ang nakita ng mamamayan. Nasaan na ang kampanya sa pag­titipid? Ayon sa report mula 2001 hanggang 2009 at lumobo ang nagastos at nag-excess ng P1-bilyon. Pero sabi ng Malacañang, wala naman daw mali sa sobrang gastos.

Bawat taon, nasa P130-million ang tinatanggap ng Office of the President para sa travel expenses ni Mrs. Arroyo. Pero noong 2008 tumaas ito at na­ging P170 million na. Ngayong 2009, ganoon pa ring halaga ang nakalaan para sa pagbibiyahe.

Nakapagtataka naman na ngayon lang nabulatlat ang ginagastos ng Presidente sa kanyang mga biyahe. Mula noong 2001 nakagawa na nang mahigit 20 biyahe si Mrs. Arroyo. Marami siyang kasamang kaalyado sa bawat biyahe. Ang pinakahuling biyahe ni Mrs. Arroyo ay sa US kung saan ay nakipag-meeting siya kay President Barack Obama.

Ang pagkakadiskubre sa sobrang gastos ng Arroyo administration ay nagkataon naman sa kontro­bersiya nang magarbong hapunan sa Le Cirque Restaurant sa New York na gumastos ng $20,000 at ganundin sa Bobby Vans Steakhouse sa Washington kung saan $15,000 ang nagastos.

Masyadong magastos ang pamahalaang ito. Kung si Obama at US Vice President Joe Biden ay nakakakain sa mumurahing hamburger stand, bakit hindi magawa nina Mrs. Arroyo para makapagtipid. Umano, si Obama ay uubrang mani lamang ang pulutan habang umiinom ng beer. Bakit kailangan pang mamahaling alak pa ang inorder sa New York restaurant. Nasaan na ang sinasabing magtitipid sa panahon ng krisis? Habang marami ang nagugu­tom, nagpipiyesta naman sila sa masarap na steak, lobster at caviar.

Magtipid daw. Para ano kaya at magtitipid? Sigu­ro ang matitipid ng mamamayan ay gagastusin na­man sa masaganang hapunan.

ARROYO

BOBBY VANS STEAKHOUSE

LE CIRQUE RESTAURANT

MRS. ARROYO

NASAAN

NEW YORK

OBAMA

OFFICE OF THE PRESIDENT

PERO

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with