^

PSN Opinyon

Vitamin C, D at E para sa sore throat

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, madalas akong magka-sore throat at kasunod nito ay ang lagnat. Masyadong makati po ang aking lalamunan na para bang gasgas na gasgas na sa pag-ubo-ubo ko. Ako po ay naninigarilyo. Ano bang Vitamin ang mabisa para sa sore throat?  — JAIME MANZANO ng Fajardo St. Sampaloc, Manila

KAPAG lalagnatin o tatrangkasuhin, kadalasang ang unang palatandaan ay ang pangangati ng lalamunan o sore throat. Ang sore throat ay kagagawan ng stretoco­ccus bacterium. Maraming dahilan kung bakit nagkaka­roon ng sore throat at ilan dito ang mataas na intake ng refined carbohydrates, matatamis na pagkain at ang pagkain din naman ng mga mababa sa micronutrients na nagiging dahilan para mawalan ng natural defense ang katawan sa infection. Ang paninigarilyo at pag-inom ng sobrang alak ay dahilan din para magka-sore throat. 

Ngayong Agosto na panahon ng tag-ulan ay marami ang nagkakaroon ng sore throat kaya nararapat lamang na mayroong panlaban sa infection. Dapat may sapat na Vitamins D at E ang diet. 

Ang Vitamin D ay matatagpuan sa mga oily fish. Sa fish diet, nilalabanan ang infection at nagkakaroon ng healthy immune system. Ang Vitamin E naman ay mata­tagpuan sa abokado, olive oil, nuts at seeds. 

Mahalaga rin ang Vitamin C para maging matibay ang katawan sa infection at hindi magkaka-sore throat. Maya­man sa Vitamin C ang strawberries, oranges at red pepper.

Makatutulong din ang pagkain ng mga yellow o orange fruit at vegetables gaya ng apricots, carrots, spinach sa­ pagkat mayroong beta carotene. Pinanganga­lagaan ng mga ito ang lining ng lalamunan na inaatake ng sore throat.


ANG VITAMIN D

ANG VITAMIN E

ANO

DR. ELICA

FAJARDO ST. SAMPALOC

NGAYONG AGOSTO

SORE

THROAT

VITAMIN C

VITAMINS D

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with