BAKIT ba tayo umabot sa ganitong sitwasyon kung saan ang mga kagalang-galang at kahanga-hanga na mga national artist natin ay parang nagiging mga aktibista na, at nananawagan na nga ng rebolusyon ang isang napakatahimik na sikat na manunulat na si F. Sionil Jose? Ano ba ang nangyayari sa bansa natin? What is happening to our country, General? Ito ang tanong ni yumaong Vice President Emmanuel Pelaez noong na ambush siya. Ano ang nangyayari sa bansa natin? Ito rin ang tanong niya.
Bago nagkagulo sa isyu ng national artist, ginulo na rin ng Palasyo ang kagalang-galang, maayos at matahimik na proseso ng pagpili ng mga Supreme Court justices. Bagamat ang Judicial and Bar Council (JBC) ang may katungkulan na mag-recommend ng mga justices, binaboy ng Palasyo diumano dahil sa utos ni Mrs. Gloria Arroyo na magdagdag pa ng mga pangalan dahil wala yata sa listahan ang mga gusto ni Mrs. Arroyo.
Mabuti na lang, pumalag ang JBC at hindi talaga sila nagdagdag ng mga pangalan, isang matapang na decision na nagbigay kahulugan sa independence ng husgado at sa prinsipyo ng separation of powers sa ating Saligang Batas. Ang nangyari naman, pumalag din ang mga national artist, dahil ayon sa kanila, ang may katungkulan na magsumite ng mga pangalan na dapat piliin ay ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ano pa ang silbi ng mga council at commission natin kung binababoy lang ang mga katungkulan nila ni Mrs. Arroyo? Ang masama pa na isipin, legitimate sila ngunit ang bumababoy sa kanila ay isang illegitimate na pangulo kuno.
Ayon sa balita, humihingi na raw ng tulong ang mga Obispo sa Santo Papa, upang makialam siya sa isyu ng pagbibigay ng mining rites sa Catanduanes sa isa namang negosyante na malapit kay Mrs. Arroyo. Pati ba naman ang simbahan ay nasasangkot sa kanyang pambababoy?
Naku naman Mrs. Arroyo, alam namin na may 10 buwan ka pang natitira sa rehimen mong peke. Ngu-nit dahil sa mga ginagawa mong pambababoy, ginugulo mo ang katahimikan ng bansa.
Pati ang mga bandido na matagal mo nang sinabi na pupulbusin mo ay siya ngayong pumapatay sa mga mahal naming sundalo. Puwede ba mag-resign ka na upang mawala na ang gulo? Anyway, sobra-sobra na naman ang winaldas mong pera sa iyong mga biyahe sa abroad!