Rebeldeng Muslim kailan mawawala
HINDI biro ang nangyayari ngayon sa ilang parts of Mindanao bakbakan umaatikabo kaya naman ang mga innocent civilian ay parang mga manok na tago nang tago.
Sabi nga, lipat dito, lipat doon, alis dito, layas doon.
Ika nga, kawawa naman!
Ang tagal ng isyu ang tungkol sa rebeldeng Muslim noon pa ito napabalita sa Philippines my Philippines. May kidnapping, raping, killing issues pa pero up to now ay ganoon pa rin ang nangyayari doon.
Habang binibida ng government of the Republic of the Philippines na durugin, windangin, wasakin, pulbusin o bombahin ang grupo ng Abu sayad este mali Sayyaf pala ay parang dumadami ang mga ito at nakakahanap pa ng mga kakampi kapag nako-corner ang mga lintik.
Sabi nga, MILF?
Hindi ba alam ng mga militar o ng gobierno ang mga bandidong grupo ng Abu Sayyaf at ilang taga-MILF ay magkakamag-anak kaya siempre taguan sila ng baho kapag nasa likuran nila ang militar.
Mga civilian tuloy ang ginagawang panangga ng mga kamoteng grupo na sa tingin ng ilang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay mga kakilala o kamag-anakan din nila ang iba sa mga ito.
Siempre ang mga pinupugutan at pinapatay ay hindi nila mga kasangga.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ilang sundalo ng Philippine Marines, Army, Airforce, Police at Navy ang nalibing sa hukay matapos bakbakan ng Abu sayad este mali Abu Sayyaf pala.
Siguro dapat maging serious ang gobierno sa pagtira sa mga bandidong grupong Abu Sayyaf kailan sugpuin na ang kanilang mga kawalanghiyaan.
Sabi nga, patayin na sila!
Ika nga, political will ang kailangan paris ng ginawa noon ni ERAP.
Ang mahirap kasi sa gobierno ng Philippines my Philippines ay ‘urong, sulong’ ang decision making.
May pitsa kasi sa giyera kaya may mga taga-government of the Republic of the Philippines ang gustung-gusto na magkaroon ng bakbakan dyan sa Mindanao.
Sabi nga, sayang ang war fundings? Hehehe!
Dapat ng ma-uto este mali matuto pala ang gobierno sa kalokohan ng Abu Sayyaf dahil hindi birong kriminal ang mga ito.
Sabi nga, mas ulol pa kay Satanas!
Abangan.
Si Bogart at ang dalawang itlog
NAGLIPANA ang mga sugalan sa Philippines my Philippines pero walang magawa ang gobierno tungkol dito dahil marami daw ang mawawalan ng trabaho kapag pinigil nila o pinahinto ang jueteng.
Ang siste, tumitindi ang bangayan sa ngayon pero tahimik pa ang isyu regarding sa illegal gambling o jueteng.
Iniisa-isa kasi nina Bogart at ang kasama niyang dalawang itlog ang mga lugar ng sugalan sa Region 1 up to Region 5 kaya naman marami na rin ang nagagalit sa kanila dahil tinatanggalan nila ng kita ang mga nakikinabang todits.
Sino ba si Bogart?
Sagot-si Bogart, ay dating kilabot na kriminal sa Philippines my Philippines na involved sa carnapping, smuggling at ngayon nga ay pinasok ang daigdig ng sugalan blues.
Kung matatandaan matindi ang grupo ni Bogart dahil naging kaaway ito ng pamahalaan pero hindi nagtagal at nahuli matapos siyang barilin ng ilang foolish cop at naghimas din ng karsel matapos itong makulong sa kagaguhan.
Matapos makalabas sa kalaboso si Bogart ay tahimik itong nagsagawa ng malaliman operasyon sa Bureau of Customs gamit ang apelyido ng kanyang sampit na kung tawagin sa Batangas ay si ‘PUTI’ ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Nagtamasa ng limpak-limpak na pitsa si Bogart matapos kumalat sa Philippines my Philippines ang mga smuggled imported rice na dina-divert pa noon ng grupo nila.
Si First Gentelman Mike Arroyo ay nakaladkad pa ang pangalan tungkol sa isyu ng rice smuggling sa bansa kahit alaws alam ang pobreng alindahaw.
Naging kabit ni Bogart ang isang ‘DORAY’ ang matabang ngitpa na bebot sa Customs dahil matindi ang huli sa paghawak ng mga kaso ng smuggling cases sa bureau.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mahirap sa pangkat nina Bogart at Doray ang maglabas ng legal sa bureau dahil porte nila ang magpanakaw ng kargamento.
Sabi nga, takutan ang labanan!
Maraming pa kuento si Bogart bukod sa smuggling, carnapping at illegal gambling activities nito ngayon.
Abangan.
- Latest
- Trending