TUMANGGAP tayo ng liham mula sa Asst. Vice President for Media Affairs ng Social Security System (SSS) at kaibigan nating si Joel Palacios.
Tugon ito sa ating kolum kamakailan hinggil sa kontrata umano ng SSS sa Stradcom para sa computerization ng ahensya na kasalukuyang umaani ng batikos ng ilang Kongresista.
Binigyang diin ni Joel na walang katotohanang nag-award na ng kontrata ang SSS sa computerization kahit kaninong bidder.
“Nais naming linawin na walang kontrata na ini-award ang SSS sa Stradcom. Sa kasalukuyan ay sumasa- ilalim sa post qualification ang consortium ng AllCard Plastics Philippines, Stradcom Corporation at Teco Electric and Machinery Company” ani Joel sa kanyang sulat.
Ayon pa kay Joel, kasalukuyan pang sinusuri ng SSS ang abilidad ng consortium na ipatupad ang proyekto matapos na ito’y mag-bid ng P1.6 bilyon na siyang pinakamababang bid. At kung hindi makakapasa, ikukonsidera ng SSS ang Banner Consortium na nag-bid ng P2.1 bilyon na siyang ikalawang lowest bid.
Well, ang puna natin ay ibinatay lang sa reaksyon ng ilang mambabatas at bukas naman tayo sa ano mang pagtutuwid. Pero mabuti na rin yung nailalathala natin ang ganitong mga isyu para mapigilan ang ano mang maanomalyang kontrata na posibleng pasukin ng alinmang ahensya ng gobyerno.
Kaya naman umaalma ang ilang mambabatas ay dahil sa mga reklamo sa isinagawang computerization ng Stradcom sa Land Transportation Office, isang kasong hangga ngayon ay binubu-sisi pa ng Kongreso.
Kahit ang Stradcom ay inaanyayahan nating sagu-tin ang mga isyung ibina- bato laban sa kompanya na natalakay natin sa mga nakaraang isyu.