^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May hinihiling kaya nag-treat?

-

SA mga kongresistang laging kasama ni President Arroyo sa kanyang mga biyahe, si Quezon Rep. Danilo Suarez lang yata ang pinakamaala­lahanin, pinakamatapat at pinakamabait. Paano’y siya ang bumalikat ng hapunan nila sa Bobby Van’s Restaurant sa Washington D. C. Bagamat nakalipas pa ang ilang araw bago nagtapat si Suarez na siya ang nagbayad ng $15,000 sa restaurant, maituturing na mabait pa rin siya sapagkat umamin sa totoong mga nangyari. Habang ang ibang Cabinet member ay patuloy na inililigaw ang taumbayan sa masa­ganang hapunan, hindi na nakatiis si Suarez at ina­ming siya talaga ang nagbayad. Ang marangyang pagkain nina Mrs. Arroyo at mga kasama sa Bobby Van’s ay nalathala naman sa Washington Post.

Ayon kay Suarez, wedding anniversary ni President Arroyo at First Gentleman Mike kaya siya ang bumalikat sa hapunan sa Bobby Van’s. Ang hapunan umano ay naganap makaraang makipag-meeting ang Presidente kay US President Barack Obama. Bukod sa steak at lobster, umorder sila nang mama­haling alak sa restaurant.

Pero ngayon, may sumisingaw na balita na kaya pala masyadong mabait at maalalahanin ang congressman kay Mrs. Arroyo ay dahil meron siyang hinihinging pabor. Ito raw ay para mapadaling apru­bahan ang aplikasyon ng kanilang pamilya sa P1-bilyong loan sa Development Bank of the Philippines. Pero ang balitang ito ay agad na pinabula­a­nan ni Suarez. Hindi raw porke at siya ang nagbayad sa Bobby Van’s ay mayroon siyang hinihinging pabor. Inamin naman ni Suarez na talagang nangu­ngu­tang ang ka­nilang family corporation sa ilang banko at kabilang diyan ang Development Bank of the Philippines.

Mainit ang kontrobersiya sa magastos na biyahe ni Mrs. Arroyo at pinagdududahan kung sino ba talaga ang gumagastos sa kanilang panganga­ilangan habang nasa ibang bansa. Noong isang araw, nabuking na sumobra ng P1-bilyon ang nagas­tos sa biyahe ng Arroyo administration. Ilang linggo nang nagpupuyos ang mamamayan dahil sa ma­gast­os na pagkain at kamakalawa, nagkaroon pa nang kaguluhan sa Malacañang nang sapilitang pumasok ang mga militanteng estudyante.

Hindi rin naman maiaalis na magduda ang mama­mayan kung bakit ganoon na lamang kagalante ang mga kasamang mambabatas ni Mrs. Arroyo. Maa­a-ring isipin nga na meron silang hinihinging pabor. Ma­dalas na ang pagsisipsip ay may hinihinging kapalit.

ARROYO

BOBBY VAN

DANILO SUAREZ

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

FIRST GENTLEMAN MIKE

MRS. ARROYO

PERO

PRESIDENT ARROYO

SHY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with