Beauty Tips para sa nagtitipid (Part 2)
NOONG nakaraan, tinalakay ko ang mga matitipid na paraan para magpaganda. Ang unang limang payo ay (1) umiwas sa araw, (2) gumamit ng sunblock araw-araw, (3) umiwas sa usok at alikabok, (4) huwag magsigarilyo at uminom ng alak, at (5) maligo maigi bago matulog.
Heto pa ang ibang epektibong beauty tips.
6. Uminom nang maraming tubig – Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang ating balat. Nakakita ka na ba ng batang nakulangan sa tubig? Biglang lumulubog ang kanilang mukha.
7. Magbawas ng stress – Sabi nga, “Huwag kang magalit, at tatanda ka agad.” Ang madaling magalit ay mabilis pumangit di ba? Nagsasalubong ang kilay at nakangiwi ang mga labi. Tumawa ka at ika’y gaganda.
8. Matulog ng 7 o 8 oras – Kailangan mo ang beauty sleep para hindi magka-eye bags. Sa mga problemado, subukang mag-relax bago matulog. Magbasa muna. Maglibang. At kung hindi ka makatulog ay humiga na lang kahit gising. Sa ganitong paraan, makakapahinga pa rin ang katawan natin.
9. Huwag matulog nang nakadapa – May nagsasabi na pagnaipit n’yo ang inyong mukha habang natutulog, madali itong magkakalinya. Matulog ng nakatihaya.
10. Mag-lotion sa gabi – May tulong sa pagpapakinis ng mukha ang mga lotion. Maghugas muna ng mukha, tapos maglagay ng lotion. Hindi naman kailangang bumili ng mamahaling brands.
11. Healthy eating – Kumain ng tama at masustansya tulad ng prutas at gulay na sagana sa vitamins at minerals. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at sitsirya.
12. Healthy living – Mag-exercise. Magkaroon ng libangan. Maging abala sa magandang gawain. Ang importante ay masa- ya kayo para sumigla ang katawan.
13. Magdasal at tumulong sa kapwa – Hindi ba ang tunay na kagandahan ay wala sa labas kundi nasa loob ng isang tao? Ang “inner beauty” ay mas tumatagal at nangingi- babaw kaysa sa “outer beauty.”
Naalala ba ninyo si Mother Teresa? Marami si-yang wrinkles pero parang may ilaw ang kanyang mukha.
Basta maganda ang saloobin mo, parang beauti- ful ka na rin.
- Latest
- Trending