RUMATSADA uli sa pang-unang puwesto ang rating ni dating Presidente Joseph Estrada sa latest survey ng Social Weather Station. Sa survey ay iisa lang daw ang tanong: Magsabi ng isang pangalan na gustong maging Presidente. Ang nakararaming sagot daw ay ‘‘Estrada”. Mukhang malakas pa rin ang dating ni Erap. Pero wala bang legal impediment sa muli niyang pagtakbo?
Nagkakaisa ang mga legal experts na walang hadlang sa pagtakbo muli ni Estrada bilang presidente sa 2010 elections. Ilan lang sa mga legal luminaries na ito sina dating UP College of Law Dean Pacifico Agabin, Senate President Juan Ponce Enrile at bar topnotcher Aquilino “Koko” Pimentel III.
Sabi nga ni Koko, anak ni Senator Nene Pimentel, at ni Senator Enrile, hindi applicable kay Estrada ang prohibition na nakasaad sa Saligang Batas. Ayon naman kay Agabin, ang incumbent lang gaya ni PGMA ang pinagbabawalang ma-reelect dahil inisip ng mga kumatha ng 1987 Philippine Constitution na kung papayagang ang reelection bid ng isang incumbent president ay siguradong gagamitin nito ang resources at kapangyarihan ng Office of the President para manatili sa kapangyarihan?
At kung nare-elect man noon si Pangulong Arroyo noong 2004, ito’y dahil sa clause ng naturang Constitutional provision, na nagsabing kung ang isang incumbent ay hindi nakakumpleto ng apat na taon na panunungkulan ay pwede siya uling tumakbo.
Sa kaso ni Erap, bukod sa hindi siya ang incumbent president ay hindi rin siya nakakumpleto ng apat na taon na panunungkulan bilang presidente dahil mula 1998 ay tumagal lang ng dalawang taon at kalahati ang kanyang termino. Hindi rin sagabal ang naging kaso ni Erap dahil, sabi nga ni Koko, ay naibalik ang kanyang karapatang bumoto at maiboto nang mabigyan ng amnesty.
Sa kwento mismo ni Senator Enrile at maging ni Senator Pimentel, talagang dinudumog daw si Erap ng mga tao saan man siya magpunta. Ayon naman kay Senator Pimentel, nanghihinayang siya sakaling ma-disqualify si Erap pero hindi niya sinasabing madi-disqualify ito o na may basehan para ito ay madisqualify.
Sabi pa ni Senator Pimentel, hindi niya nakikita sa ibang presidential candidates ang init ng pagtanggap ng mga tao kay Erap, isang bagay na ayon kay United Opposition spokesman Ernesto Maceda ay malamang kumumbinsi sa iba pang opposition presidentiable na mag-give way na kay Erap.
Ngunit ang sabi ni Maceda, hindi nila inaasa-hang magwi-withdraw sina Senators Mar Roxas at Manny Villar sa kabila ng di mapigil na kampanya ni Erap para magkaroon ng unified opposition candidate ang oposisyon. Kung walang gustong magpara-ya at sangrekwa ang gustong sumabak sa panguluhan, baka “balik-Erap” tayo after the 2010 polls.
But in the final analysis, possible ring mabigyan ng tsansa ang mga alterna-tive, non-traditional politicians na sasabak sa eleksyon kung ang iisipin ay ang pagkayamot ng mamamayan sa traditional politicians. Who knows?