Sa likod ng pagkahuli ni Pia Moran.
NASA Vallejo City, California U.S.A pa rin ang isang team ng BITAG na kasama ko. Pinaghahandaan na na-min ang isang t.v. special, “BITAG- U.S.A” sa mga susunod na episode.
Ang nakababatang kapatid kong si Erwin ang pansamantalang nangunguna sa mga operasyon ng BITAG sa Maynila.
Pumutok na sa mga balita, nitong Biyernes ang tat long linggong tinatrabaho ng BITAG, isang drug raid operation sa Maligaya Park Subd., Fairview Quezon City.
Kasamang nahuli ang dating aktres na nagngangalang Pia Moran subalit bago pa man tumulak ang aming grupo patungong San Francisco, California noong a-9 ng Agosto, hulog na sa BITAG ng aming surveillance camera si Pia Moran, bumibili ng shabu sa isang pusher.
Inilapit ito sa BITAG ng isang tipster nitong nagda-ang buwan ng Hulyo kung saan siya mismo ang aming kinabitan ng aming surveillance gadget upang mapatunayan ang kaniyang sumbong.
Ayon sa tipster na’to na labas-masok sa lugar, hindi lamang si Pia Moran kundi pati ang ilang kilalang tele-vision entertainment personalities partikular sa comedy ang mga parokyano ng shabu..
Isang TV comedian na kilala sa kaniyang palabas na mga “kagaguhan” comedy ang hindi matiyempu-tiyempuhan ng sa mga araw na pumoste ang aming undercover-tipster sa lugar.
Lumalabas ‘tong kolokoy na comedian sa iba pang mga comedy sitcoms at gag shows.
Dumadami ang mga tips na aming natatanggap sa mga bars sa Quezon City partikular sa Timog Area hinggil sa mga showbiz personalities sa telebisyon na gumagamit at nagtutulak din daw ng ecstacy.
Ito ang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ng BITAG. Tukoy na rin namin ang mga lugar.
Tiyak, maraming aaray sa kolum kong ito. Ang pinakamasahol na mangyayari ay ang makitang humahagulgol at umiiyak kapag nahulog sila sa BITAG ng aming surveillance camera dahil hindi namin sila sasantuhin.
- Latest
- Trending