It won't kill us'
“It won’t kill us!”, ang siyang naging tugon ni Mayor Michelle Rabat nang siya’y tanungin kumusta na ang kanyang bayan ng Mati, ang capital ng Davao Oriental, na kamailan lang bumalik sa pagiging munisipalidad makaraang pinaboran ng Supreme Court ang petition ng League of Cities na ang Mati at 15 pang ibang bagong siyudad ay kailangang i-revert back nga sa municipality status.
Nabibilang ang Mati sa anim na bayan ng Mindanao na naging siyudad na sana, ay pinabalik bilang municipality dahil nga hindi umabot ang kani-kanilang annual income ng P100 million alinsunod sa Republic Act 9009, itinaas ang annual income requirement from P20 million.
Maliban sa Mati ang mga bayan ng Tandag, Surigao del Sur; Bayugan, Agusan del Sur; Mati, Davao Oriental; Cabadbaran, Agusan del Norte, Lamitan, Basilan; at El Salvador, Misamis Oriental ay hindi pumasa sa sinasabing annual income requirement.
Inamin ni Rabat na mahirap ang sitwasyon lalo na at malalaki rin ang tinatayang nawawalang income ng Mati na aabot sana ng P400 million kung nagpatuloy ito sa kanyang pagiging siyudad.
Naging malaking dagok iyon sa higit 600 na residente ng Mati na nawalan ng kahit pansamantalang trabaho nang nagsimulang magpatupad na sana ng iba’t ibang proyekto si Rabat para sa ikauunlad ng naturang lugar at madagdagan ang serbisyo para sa mga mamamayan.
Ayon sa lady mayor, naapektuhan din ang mga infrastructure projects, maging ang health at education programs ng Mati local government dahil nga sa nawalang inasahang income sana nang ito ay naging siyudad.
Labis din ang pagkadismaya ng mga barangay captains ng Mati na nilaanan na sana ni Rabat ng tig-P1 million para sa kani-kanilang development projects.
Isa si Rabat sa mga pinaka-vocal na mayor sa kasagsagan ng pakipaglaban ng League of 16 na huwag nga silang ibalik sa paging munisipalidad.
Lumitaw ang katapangan ng babaeng alkade nang buong pusong pinaglaban niya ang Mati sa harap ng mga mapanuring mahistrado ng High Tribunal at sa mga magigiting na mga opisyal ng League of Cities of the Philippines.
Ngunit, kahit na masakit at labag sa kanyang kalooban, natuto ring tanggapin ni Rabat ang desisyon ng Supreme Court.
Imbes na magluksa, nabuhayan pa nga ng loob ang babaeng alkalde at sinabi nga niyang naging isang malaking hamon para sa mga taga-Mati ang abutin ang nasabing P100 million annual income requirement upang ito ay maging siyudad.
Si Mayor Michelle ay hindi tumatakbo sa kung ano mang hamon.
“It won’t kill us!” nga. At handa niya itong patunayan.
- Latest
- Trending