^

PSN Opinyon

Paninigarilyo lang ba ang cause ng cancer sa baga?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

“Dear Dr. Elicaño, ang paninigarilyo lamang po ba ang tanging dahilan kaya nagkakaroon ng cancer sa baga? Kapag may cancer sa baga ang kasama sa bahay, maaari ba itong makahawa? Ano po ang mga sintomas ng cancer sa baga?” — LORNA ALEGRE ng Or. Mindoro

Tamang-tama ang tanong mo ukol sa cancer sa baga sapagkat ngayong Agosto ay ipinagdiriwang ang Lung Month.

Ang sigarilyo ang sinasabing pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga subalit maaari ring maging dahilan ang asbestos, coal tar fumes, petroleum oil mists, arsenic, chromium, nickel, iron, isopropyl oil, radioactive substance at air pollution. Doon sa mga naninigarilyo nang mahigit sa dalawang kaha isang araw, 30 ulit na maaari siyang mamatay dahil sa cancer sa baga. Napakaliit din ng survival ng may cancer sa baga.

Sa tanong mo kung nakahahawa ang cancer sa baga, hindi ito nakahahawa.

Ang mga sintomas ng cancer sa baga ay ang pani­nikip ng dibdib, madalas na pag-ubo at pagdura na may kasamang dugo.

Kapag nasa late stages na ang lung cancer, ang sinto­mas ay pagbaba ng timbang, matinding paninikip ng dibdib, garalgal sa lalamunan at nahihirapang maka­lunok.

Ang cancer sa baga ay karani­wang nade-detect kapag malala na at hindi na maaaring operahin. Ang radiation theraphy at chemotheraphy ay ginagawa depende sa type ng cancer­ sa baga. Ang radiation theraphy ay ginagamit para matulungang ma-relieve ang pasyente sa kirot na dulot ng cancer.

Ang agarang pagtigil sa bisyong sigarilyo ang mahusay na paraan para hindi magkaroon ng cancer sa baga. Sa mga magulang, gabayan ang mga anak para hindi sila matutong mani­garilyo. Iwasan din ang mga chemical na maaaring magdulot ng cancer sa baga.


AGOSTO

ANO

BAGA

CANCER

DR. ELICA

IWASAN

KAPAG

LUNG MONTH

MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with