10 pinaka-dukhang pook may sigalot
KABILANG ang limang probinsiya ng Autonomous Region for Muslim Mindanao sa10 kulelat na probinsiya sa Pilipinas. Ito’y batay sa kita ng mamamayan doon, haba ng buhay, antas ng edukasyon at bilang ng nag-aaral, ayon sa Philippine Human Development Report 2008-2009.
Kabilang sa 10 kulelat ay pitong probinsiya sa Minda-nao. Lima ay sa ARMM: Sulu na pinaka-kulelat, kasunod ang Tawi-Tawi, Maguindanao, Basilan at Lanao del Sur. Ang dalawa pa sa Mindanao ay Zamboanga del Norte at Sarangani.
Kasama rin sa 10 kulelat ang Rombon at Masbate sa Luzon, at Eastern Samar sa Visayas. (Dapat batiin ang Surigao del Sur, Agusan del Sur at Northern Samar sa pag-graduate mula sa 10 kulelat nu’ng 2003.)
Kulelat ang 10 hindi lang dahil sa kahirapan. Doon din pina-ka-malala ang kawalan ng katarungang panlipunan, at talagang pinagkaitan ng mga oportunidad para umunlad. Kung tutuusin nga, karamihan sa 10 kulelat ay niyuyugyog ng dig maan — ng mga separatistang Moro at rebeldeng komu- nista. Nababalot ang mga mamamayan doon sa labis na kakapusan ng kita, kakulangan ng kagamitan para sa disenteng buhay, at kawalan ng oportunidad para umasenso.
Samantala, pawang sa Luzon ang sampung pinaka-angat na probinsiya. Pinaka-masisigla ang kabuhayan at komunidad sa Bataan, Benguet, Cavite at Rizal. Kasunod na ang Batanes, Ilocos Norte, Laguna, La Union, Nueva Vizcaya at Pampanga. Ito rin ang mga 10 pinaka-angat nu’ng 2005.
Nakakagulat ang Benguet. Malaki ang indigenous popu-lation nito, pero mataas din ang antas ng edukasyon ng mamamayan. Sa katabing probinsiya ng Ifu gao, kabaliktaran, kaya kasama ito sa mga kulelat nung 2003. Kakaiba rin ang Batanes. Binubuo ito ng mga islang napupuntahan lang ng eroplano o bangka mula Ilocos Norte at Cagayan. Malimit daanan ng bagyo. Ganunpaman masagana ang pamumuhay ng mamamayan.
- Latest
- Trending