Hindi kaya ang BITAG! Biktima ang pinuntirya.

TINITIYAK ng BITAG sa sinuman, bago namin kayo “traba­huin”, ipinagkakaloob namin ang inyong karapatan na makuha ang inyong panig. Subalit may mga kolokoy na madudunong, ‘yun nga lang “nakatuwad” ang mga kukote. Hindi kaya ang BITAG kaya ang pinupuntirya ay ‘yung biktimang nagsumbong na lumapit sa amin.

Isa na rito etong “nginig-bombilyas” na si G. Ernesto Ber­nabeo III, guro ng Tanay National High School na sinumbong sa amin ng kanyang biktima dahil sa pagpapakalat ng sex photos sa internet. Eto ‘yung kasong bumungad nitong buwan ng Enero taong kasalukuyan. Naipalabas ito sa BITAG sa IBC at UNTV at pinakita namin ang estilo ng aming trabaho base sa sumbong ng biktimang itinago namin sa pangalang Mel.

Ikinalat daw nitong guro na si Ernesto Bernabeo III na dati niyang kasintahan nung siya’y disisais anyos pa lamang ang kanilang mga sex photos. Naglabasan ang mga nasabing sex photos sa friendster ng biktima na kuha raw lahat sa cellphone ni Ernesto Bernabeo III, ayon sa humahagulgol na si Mel. Agad binisita ng BITAG ang eskuwelahang pinag­tuturuan ni Bernabeo. Subalit nang matunugan niya na nan­doon na kami, umeskapo ito at nag-ober da bakod, makaiwas lang sa BITAG.

Nitong nakaraang buwan, nagsampa ng kasong libel si Ber­nabeo laban sa kanyang biktima matapos maipalabas sa BITAG.

Bagamat nasa Daly City, California U.S.A ang isang team ng BITAG, sinisiguro lang naming hindi madedehado ang biktimang si Mel. Layunin naming itabla ang laban nito sa ini­rereklamong gustong makipagsubukan.

Kaya, ang aking mensahe para kay Bernabeo, “magpaka­lalaki ka! ‘Wag kang babakla-bakla! Harapin mo ako, si Ben Tulfo, si BITAG! Ako ang sampahan mo ng libel, isama mo ako sa kaso!”

“Magpakita ka sa akin kolokoy, humarap ka sa aming      camera kung gusto mong marinig ang iyong panig na sa umpisa pa lang      ay ipinagkaloob na namin sa’yo na iyong tinang­-      g­ihan. Kundi ka ba na­man gunggong!”

“Huwag mong pag­diskitahan ang biktima mong si Mel. Bakit hindi mo na lang i-package deal at isama ang BITAG para matigil ‘yang kal- bar­yo mo. Aber sige nga!”

Ngayon pa lang, um­pisa ng sisikat ka to the max dahil BITAG na ang iyong makakalaban at mga abogadong nasa hanay namin. Tigilan mo na ang katarantaduhan mo.

Huwag kang magka­ka­maling gamitin ang hukuman sa maruming laro. Kaya rin naming la­ruin ‘to. Tukoy na ng BI­TAG ang mga matitinong piskal diyan sa Tanay, maging ang mga matiti­nong huwes. 

Madali para sa BITAG ang matukoy kung sinu-sino rin ang mga piskal na aastang balasubas. Sige, go ahead, inaanta­ba­­yanan namin ang iyong susunod na hakbang.

Show comments