^

PSN Opinyon

Sino si Eden Lim Cruz?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SA unang tingin, isang ordinaryong Pilipina lang si Eden Lim Cruz subalit bangungot sa buhay ng dating newsman na si Ligorio “Toting” Naval, 71. Si Lim Cruz kasi mga suki ang nag-file ng complaint sa pulisya sa Bacoor, Cavite na ni-rape siya ni Naval. Ang complaint ni Lim Cruz ang naging daan para arestuhin ng pulisya si Naval noong Feb. 5 at ikinulong. Ayon kay Naval, habang nasa piitan siya, maraming gustong umareglo ng kaso ang lumapit sa kanya para ayusin na lang itong si Lim Cruz sa hala­gang P300,000. Subalit hindi pumayag si Naval dahil alam niya hindi totoo ang reklamo ni Lim Cruz laban sa kanya. Sa tulong ng kanyang abogado, nakalaya si Naval at hilung-hilo siya kung paano siya itinuro ni Lim Cruz na hindi na-man niya kilala. Masakit pala ang sinapit ni Naval.

Ang kaso laban ke Naval ay na-dismiss ng korte dahil walang sapat na ebidensiya. Matapos kasing ituro siya sa presinto ng Bacoor, hindi na sumipot o nagpakita si Lim Cruz. Maging sa court hearing, hindi rin siya sumipot ng tatlong beses kahit na inabisuhan naman ng korte. Maging ang kasama ko sa hanapbuhay na si Wheng Hi­dal­go ng ABS-CBN ay pinuntahan ang address na ibinigay ni Lim Cruz sa pulisya. Subalit nagulat siya nang sabihin ng mga kapitbahay na walang Lim Cruz na nakatira sa kanilang lugar. Kaya kahit nabura ang kaso laban sa kanya, natutulala pa rin si Naval hanggang sa ngayon dahil hindi niya maarok kung ano ang tumama sa kanya.

Si Naval ay tumalikod sa pagsusulat sa diyaryo mata­pos ma-appoint na sectoral representative sa Cavite.   Alam niyang maaring may naapakan siya subalit sa tingin niya, hindi ito maaring maging dahilan para resbakan    siya. Sa bandang huli, ang suspetsa ni Naval may kina­laman sa delubyong dumating sa buhay niya ang laganap na jueteng operations sa Cavite.

Si Naval ay naghain ng formal complaint sa Sandi­ganbayan laban kay Atong Ang, ang financier ng jueteng sa Cavite na nagtatago sa STL. May isang news clipping na nai-forward si Naval sa Sandiganbayan na nag­­sa­ saad na ang pagiging financier ni Atong sa jueteng ay maliwa­nag na violation sa guidelines ng parole na igi­nawad sa kanya. Di ba si Atong ay hinamon ng barilan ng kasama ko sa hanabuhay na si Mon Tulfo kama­kailan? Di ba labag din sa guidelines ng parole niya ang pagdadala ng baril? Buwenas talaga si Atong dahil kakampo siya ni dating Pres. Erap Estrada noon at sa ngayon sa kampo ni GMA na siya. ‘Ika nga all weather si Atong. In short sipsip talaga siya. Subalit nililinaw ko mga suki na walang ebidensiya si Naval na si Atong ang nasa likod ng delubyong duma­ting sa buhay niya, maliban sa mga tinuran ng mga pulis na kakilala niya. Abangan!

ATONG

CAVITE

CRUZ

LIM

LIM CRUZ

NAVAL

NIYA

SHY

SI NAVAL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with