'Sige Bernabeo, kami ang resbakan mo!'

NAKAABOT sa aming kaalaman na niresbakan daw ng gurong si Bernabeo ang kanyang biktimang si Michelle.

Matatandaan ang kasong ito kung saan isang guro sa Tanay National High School si Bernabeo at naging kasintahan nito ang isa sa kanyang mga estudyante.

Kung saan nang makipaghiwalay na ang babae ay ikinalat daw ni Bernabeo sa internet sa pamamagitan ng friendster ang mga hubad na larawan ng biktima habang at pagkatapos ng kanilang pagtatalik.

Isinumbong ito sa amin ng biktimang tubong Tanay Rizal na agad namang inimbestigahan ng BITAG. Sino nga bang makakalimot na pinagtakpan pa ng principal at ibang tauhan ng eskuwelahan si Bernabeo.

Sinubukan naming kausapin ang inirereklamong guro upang makuha ang kanyang pahayag hinggil sa reklamo ng kanyang biktima, subalit nagtago ito.

Hindi rin nag-aksaya ng panahon ang mga tauhan at principal ng Tanay National High School na iharap sa amin ang aming pakay. Kaya sa huli, inilapit na namin ito sa Department of Education para sa kanilang imbestigasyon sa reklamo.

Sa muling pagbalik ng biktima sa BITAG Headquarters, dala-dala nito ang police report at subpoena mula sa Tanay Regional Court sa reklamo ni Bernabeo laban sa biktima.

Ang nakakatawa rito na para bang nagpapatawang pilit si Bernabeo, “Libel” ang kanyang ikinaso sa kanyang biktima.

Hindi malaman ng BITAG kung may kaka­palan lamang talaga ng mukha o taktika para la­mang iwasan ang ka­sa­lanan kung bakit ang kan­yang biktima ang sinam­pahan niya ng kaso.

Paninirang-puri raw ang ginawa ng kanyang biktima sa pagsusumbong nito sa amin.

Ayon kay Atty. Freidrick Lu ng Philipine Christian University, College of Law, hindi raw dapat ang biktima ang kinasu­han ng libel. Kung hindi ang BITAG mismo.

Bakit nga ba hindi kami ang kasuhan mo Ber­na­beo? Binigyan ka namin ng pag­ ka­kataon upang mag­pa­liwanag ng iyong panig pero pinag­taguan mo kami.

Sige nga, kami ang res­ba­kan mo at hindi ‘yung bik­timang inabuso mo!


Show comments