^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan wawalisin mga 'killer bus' sa EDSA?

-

MAY panukalang gawing Pres. Cory Aquino Avenue ang Epifanio De los Santos Avenue (EDSA) bilang pagkilala sa kauna-unahang babaing lider ng Pilipinas. Magandang panukala ito lalo at ang maka­saysayang EDSA People Power 1 revolution ay dito naganap. Ang EDSA ay dating Highway 54 at umaabot mula Monumento, Caloocan hanggang Taft Avenue, Pasay City.

Pero mas gaganda ang highway na ito kung ba­bawasan ang mga “killer bus” na yumayaot dito. Mas magiging angkop sa iniwang alaala ni Cory kung maba­bawasan o tuluyan nang mawawala ang mga “killer bus” na banta sa buhay ng mga pasahero, moto­rista at iba pang taong gumagawi sa kalsadang ito. Bago palitan ng pangalan, siguruhin munang wala na ang mga “killer bus”.

Marami nang namatay sa kalsadang ito at ka­dalasan ay kagagawan ng mga bobo, iresponsable at walang disiplinang bus driver. Noong hapon ng Lunes, nadagdagan na naman ang namatay sa EDSA at siyempre pa ang may kagagawan ay “killer bus”. Tuma­ tawid sa pedestrian lane sa tapat ng Camp Crame ang mag-ina nang sagasaan ng Jell Transit Bus na may plakang TXG 943 na minamaneho ni Mario Villamar, 54. Sa lakas ng pagbangga ay na­matay on the spot ang bata samantalang ang ina ay naputulan ng braso. Ayon sa report, mabilis ang takbo ng bus sa­pagkat nakikipag-agawan sa pagpik-ap ng pasa­hero. Hindi umano nakita ang mag-inang tumatawid.

Halos sa lugar ding iyon naganap ang malagim na aksidente kung saan isang doctor ang namatay ma­tapos banggain ng isang nagmamadaling bus ang sinasakyang Mercedes Benz noong nakaraang taon. Sa lakas ng pagbangga ay nagpaikut-ikot ang Benz hanggang magliyab at hindi na nakalabas ang doctor. Nasundan pa nang maraming aksidente ang pangyayaring iyon.

Kamakailan, sinabi ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na babawasan na nila ang mga bumibiyaheng bus sa EDSA. Masyado raw pabigat sa trapik ang mga bus na wala namang laman pero takbo nang takbo sa EDSA. Okey ang ideya pero sana idagdag na dahilan kung bakit aalisin ang mga bus sa EDSA ay sapagkat banta na sa buhay ng mga pasahero at motorista. Idagdag pa na ang mga bus na ito ang nagdudulot ng grabeng air pollution.

BUS

CAMP CRAME

CORY AQUINO AVENUE

EDSA

EPIFANIO DE

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

JELL TRANSIT BUS

LAND TRANSPORTATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with