^

PSN Opinyon

Ulirang lingkod bayan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

MARAMING nanawagan sa mga kakandidato ng 2010 na sana’y tularan nila ang halimbawa ni President Cory Aquino. Wala naman sigurong magkakamali kung gayahin ang simpleng mga patakaran ng kanyang pamumuno: Honesty, integrity, decency, fairness, cou-rage, humility.

Dahil siya’y naging Presidente, usap-usapan na nga­yon ang kanyang puwesto sa kasaysayan bilang isa sa pinakahinangaang lider ng bansa. Kung sina Cong. Vinzons-Chato at Plaza ang masusunod, nararapat siyang mapabilang sa hanay ng mga bayaning Pilipino.

Nakakapataba ng puso itong pagbigay karangalan   kay President Cory. Huwag nga lang sanang kalimutan na kaya rin tinitingala ang kanyang kontribusyon bilang lider ay dahil, higit sa lahat, siya ay naging ulirang lingkod bayan. Ang lahat ng katangian na maipag­mamalaki ni Cory ay nararapat maisalamin hindi lang sa mga Palasyo at kapitolyo kung hindi rin sa lahat ng tanggapan, maging sa pinakamaliit na lungga sa mga munisipyo at barangay. She was a great leader because she was a great public servant.

Nitong mga nakaraang araw, habang nakatutok ang bansa sa telenobela ni Cory, laging gumagawi ang isip natin sa mga maliliit na kawani ng gobyerno. Walang imik at walang pagod na ginagampanan ang kanya-kanyang papel bilang bahagi nang mas malaking makina ng pamamahala. Maaring hindi ganoon ka-higante ang kanilang mga sakripisyo kung tatanawin mo ang kabu­uhan ng gobyerno. Subalit tanggalin mo ang kahit isa’y siguradong sa hindi kalauna’y babagsak din ang buo.

Pinagpala akong makatrabaho sa dalawang insti­tusyon ng pamahalaan ang ganitong rank-and-file ng serbisyo sibil. Nakita ko na ang mayorya sa kanila – kahit pa ba hirap at nalulugi sa ka­nilang posisyon – ay buhos pa rin ang trabaho at pagling­kod. Iba ang karak­ter ng mga maliit na nani­nilbihan sa pa­mahalaan. Walang hinaha­nap na ka­sikatan – siyempre wala ring makukuhang ma­laking sa­hod. Ni hindi nga masasa­bing naghihintay lang sila ng pasasalamat. Ang ta­nging kabayaran ng tunay na lingkod bayan ay mis­mong ang pagkaka­taong maka­paglingkod.

Ang kahalagahan ng pa­giging lingkod bayan ay pi­natotohanan ng buhay ni Cory Aquino at ng pagpa­salamat at pagmamahal na sinukli sa kanya ng tao.

 Ang tapat at marangal na ser­bisyo ay nadadama at na­­kikita ng Bayang Pilipino.

BAYANG PILIPINO

CORY AQUINO

DAHIL

HUWAG

NAKAKAPATABA

PRESIDENT CORY

PRESIDENT CORY AQUINO

SHY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with