'AOWA at Homesonic, nanganak pa!'
HINDI pa man natatapos at nasosolusyunan ang problema ng sambayanan at ng Department of Trade and Industry sa pagpapatigil sa operasyon ng AOWA at Homesonic Appliances, nadagdagan pa ito ngayon.
Sa muling pakikipanayam ng BITAG sa DTI, nanga-nak na ng dalawa pang kumpanya na mala-AOWA at Homesonic ang estilo sa pagbebenta ng produkto.
Ibig sabihin, dalawang panibagong kumpanya ang natatag pa na ang estilo ng loko sa pagbebenta ay katulad sa dalawang kumpanyang nabanggit sa itaas ng kolum na’to.
Ayon kay Assistant Secretary Angel Pelayo ng DTI-NCR, mas pinaigting raw nila ngayon ang kampanya laban sa mga kumpanyang ang estilo ng negosyo ay manlinlang at manloko ng mga consumers.
Sa katunayan raw ay nagpakalat na sila ng dalawandaang katao na maituturing na undercover sa lahat ng malls at sa malalaking pamilihang may outlet ang mga kumpanyang ito.
Ito raw ay para sa pagpapakalat ng impormasyon at babala sa mga tao na iwasan ang mga nasa likod ng modus na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga leaflets at portfolio.
At itong dalawang bagong silang na kumpanyang ito na hindi muna babanggitin ng BITAG ang pangalan ng kanilang negosyo, minamatyagan na raw ngayon at binabantayan ng DTI.
Bago pa man tuluyang lumabas ang sungay at buntot ng dalawang bagong kumpanyang ito, bago pa man nila sundan ang ya- pak ng AOWA at Home- sonic sa negosyo ng panloloko, aagapan na raw ito ng DTI.
Tanong ng BITAG, kung sa AOWA at Homesonic Appliances na katakut-takot na ang reklamo ng kanilang mga biktima ay namamayagpag na ng ilang taon, may magawa pa kaya ang DTI sa dalawang bagong kumpanyang ito?
Ito ang aabangan at popostehan ng BITAG.
- Latest
- Trending