Paalam, President Cory

“PAALAM, President Corazon “Cory” Aquino. Maraming salamat sa iyo.”

Ito ang nakakatulig na sigawan ng mamamayan ha­bang inihatid sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park. Muli na naman naulit ang sigawan ng mamamayan ng “Cory! Cory! Cory!”

Napakaraming taong nagmalasakit kay Cory ang matiyaga sa paglalakad sa basang lansangan mula sa Manila Cathedral hanggang sa kinalibingan ng kanyang pinaslang na asawang dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Kung babalikan ang nakaraan, si Ninoy ay pinaslang sa tarmac ng Manila International Airport (MIA) nang bumalik ito mula sa United States noong August 21,1986. Subalit nakamatayan na ni Cory ang nangyari sa kan-yang asawa, hindi pa rin lubusang nakilala kung sino ang may kagagawan.

Sorpresa namang nagtungo sa burol ni Cory ang  mga   anak ni dating President Ferdinand Marcos na sina Bong­bong at Imee. Kasama rin ni Bongbong ang asawa nitong si Lisa. Ang panganay na anak ni Cory na si Pinky Aquino-Abellada ang tumanggap kina Bongbong at Imee. Na­kaalis na sina Kris at Sen. Noynoy Aquino.

Bayaning maituturing si Cory dahil sa kanyang kata­pangan at katapatan sa tungkulin bilang presidente      mula 1986 hanggang 1992. Napagkaisa niya ang sam­bayanan at hindi gumamit ng dahas sa kabila na mara­ming kudeta ang ginawa para siya pabagsakin. Na­lam­pasan iyon ni Cory. Bu­maba agad sa puwesto matapos ang anim na taong panunungkulan. Di tulad ng iba riyan na kapit-tuko sa puwesto, hehehe! Tinutu-lan din naman ni Cory ang Charter change (Cha-cha) kaya napalapit siya nang husto sa sambayanan.

Maraming kayamanan ng mga Marcos ang naba-wi at naibalik sa kaban ng pamahalaan subalit tila bulang nawala sa kalawa­kan kaya muling naghihi­magsik ang sambayanan sa kasalukuyang adminis­trasyon.

Napansin ko naman na may mga pulitikong nagla­kas loob na dumalo sa bu-rol ni Cory para makakuha ng pogi point sa darating   na 2010 election. Kaya nga­ yon palang pag-isipan na ninyo kung sino ang inyong iboboto.

Nang pumanaw siya no­ong August 1, lumuha ang sambayanan. Marami ang nanghihinayang sa kan­yang pagpanaw dahil ka­ sa­bay nito ang pag­guho ng demo­krasya.

Dahil sa labis na pag­mamahal sa kanya ng mga mama­ma­yan, hindi siya nilubayan mula pa noong iburol sa La Salle Gymnasium, Green­hills, Mandalu­yong City. Nang ilipat siya sa Manila Cathedral mu-ling naglaba­san ang mga tao at nagpa­ulan ng confetti sa dara­anan.

Sana, meron pang isang Cory na sumibol para mu­ling maipalasap ang tu- nay na demokrasya.

Show comments