^

PSN Opinyon

May kabuluhan ang kamatayan ni Tita Cory

- Al G. Pedroche -

MAY matandang kasabihan na hindi mo matatanto ang halaga ng isang bagay hangga’t ito’y hindi nawawala.

Nang nabubuhay pa si dating Presidente Corazon Aquino, tila nalimutan na ng marami ang mga prinsipyong pang-demokrasya na ipinaglaban niya nang siya’y unang maluklok bilang Presidente.

Unti-unti’y tila nanumbalik ang lumang sistema ng tiwaling pamamahala sa gobyerno. Naging talamak muli ang mga pandaraya sa eleksyon. Ang masaklap, tila ito’y ipinagwawalang-bahala na lamang ng mga tao.

Oo nga’t may mga nangyayaring kilos-protesta mula sa sari-saring grupo pero sa wari’y may sari-sarili ring agendang ipinaglalaban ang bawat pangkat na makasarili at hindi para sa bayan.

At lalong masaklap isipin na pati mismo si dating Pangulong Aquino ay binabatikos pa kapag pinupuna      niya ang mga katiwaliang nagaganap sa pamahalaan at lipunan.

Hanggang sa dapuan siya ng isang grabeng karam­daman at mabilis na iginupo ang kanyang kalusugan hanggang siya’y yumao.

Akala ko nung una’y tapos na ang karisma ni Mrs. Aquino. Hindi pala. Lalung nagtumindi ang kanyang “ha­tak” sa tao sa kanyang pagkamatay.

Nakita natin iyan sa daluyong ng mga taong nagda­lamhati sa kanyang pagyao at naghangad na sumulyap sa kanya sa huling pagkakataon. Marahil, kaloob nga ng Diyos ang kanyang kama­tayan upang magising ta­yong muli sa katotohanang ang demokrasyang nabuhay dahil kay Cory ay ating muling ipaglaban at alagaan.

Nasaan na ang diwa ng awiting nagsasabing “di na’ko papayag mawala pang muli” ang demokras­yang kay tagal na sinupil     ng isang diktaduryang re­himen?

DIYOS

HANGGANG

LALUNG

MARAHIL

MRS. AQUINO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTE CORAZON AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with