^

PSN Opinyon

The heart of a true public servant

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NAKIKIISA ako sa pagdalamhati ng pamilyang Aquino   at nang mas malaking pamilyang PILIPINO sa pagpa-naw ni President Cory. Dama ng bansa ang tindi ng ka­walan ng taong naging inspirasyon, kaagapay, kaibigan, konsensiya, sandigan, sandalan, at ina sa lahat.

Nung una kong nakilala si Tita Cory sa Boston, siya’y simpleng housewife kay Senador Ninoy Aquino – isang “force of nature”. Sa kabila nito ay nag-impact pa rin ang pagkatao ng babaing nasa likod ng bayani. May ka­kaibang dignidad ang kanyang aura. At kahit ako’y hamak na binatilyo lang na bitbit ng aking ama, wari ko’y para akong panauhing pandangal dahil sa kanyang pag­kagrasyosa.

Sa kanyang pagbalik upang ipagpatuloy ang laban ni Ninoy, ang dignidad ng biyuda ang naging pamatid-uhaw sa isang bansang salat sa dignidad.

Sa mata ng iba, Tita Cory was not the best president of the Philippines. Mas matalino sina Roxas, Quirino, Macapagal, Marcos. Mas charismatic sina Quezon, Mag­saysay, Estrada. Mas magaling sina Osmeña, Garcia, Ramos.

Subalit walang makatututol na si President Cory ang pinakaminahal ng bansa at pinakanirespeto sa kanilang lahat. Siya’y disente, marangal, tapat, maaasahan. Hawak niya ang pinakamataas na katungkulan subalit hindi naglaho ang kanyang pagkakumbaba. Sinalamin ng kanyang buhay ang mga katangian na dapat taglay ng tunay na lingkod bayan.

At kung mayroong importanteng kuwalipikasyon kung saan milya-milya ang nilamang ng kiming si Tita Cory sa ating mga machong Presidente, ito ay sa larangan ng katapangan.Tita Cory was the bravest and most courageous President we ever had. Hindi sa kanya ang tapang na “sugod mga kapatid” a la Bonifacio. Hindi rin style-Aguinaldo na mangu­nguna sa madugong re­bolusyon. Mapayapang rebolusyon ang kanyang marka. Ang tapang ni Tita Cory ay hindi galing sa lakas ng armas kung hindi sa sinseridad ng kanyang paniwala. Hindi siya tumik­lop sa kumpromiso. Wala siyang inurungang laban. Mas madali sanang mana-tili bilang tahimik na housewife subalit tinanggap niya ang hamon na kumilos. At dahil sa kanyang paninin­digan, nagkalakas-loob ang lahat na ipaglaban ang ka­totohanan. Bawat Pili-pino ay natutong tumindig ng taas noo basta’t nasa tama.

When Cory Aquino was in Malacañang, we were all proud to be Filipinos.

Paalam sa iyo Ma’m.

At maraming-maraming salamat po.

AQUINO

BAWAT PILI

BONIFACIO

CORY

KANYANG

PRESIDENT CORY

SENADOR NINOY AQUINO

SHY

TITA CORY

WHEN CORY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with