'Asan na ang CDO?'

TAONG 2008 nang magbigay ng pahayag ang Department of Trade and Industry hinggil sa pagpapalabas ng kanilang tanggapan ng ceased and desist order (CDO) sa AOWA at Homesonic Appliance Center. Ang CDO na nabanggit ang umano’y magpapatigil sa gawain ng dalawang notoryus na kompanyang ito. Ang kanilang marketing strategy na isang panlilinlang mabili lamang ang kanilang produkto.

Ang siste, mukhang dumaloy lamang sa tubig at lumi-pad sa hangin ang CDO na ipinalabas ng DTI dahil hang­gang sa ngayon, namamayagpag ang panloloko ng dalawang kompanya na ito.

Ang masaklap pa, nationwide na ang kanilang ope­rasyon kung kaya’t hindi lamang mga tao sa Metro Manila ang kanilang nagiging biktima kundi mga residente na rin sa Laguna, Cavite, maging sa mga probinsiya sa tawid-dagat. Ang tanong, anong nangyari sa CDO ng DTI laban sa dalawang kompanya na ito? Imbes mawala na sa industriya ng pagnenegosyo, sa halip dumami pa ang kanilang nabibiktima?

Isa na rito ang katatapos na pambibiktima sa bise-presidente ng Pilipinas at chief of staff nito. Mga maka­pangyarihan at kilalang tao subalit kanilang naloko.

Sa inisyal na pag-iimbestiga ng BITAG, sa kabila ng katakut-takot at gabundok na reklamo sa dalawang kom­panya na ito, naglakas-loob pa ang mga hayupak na umapel raw sa husgado.

Hindi na nais pang palawigin ng BITAG ang usaping ito, ayaw muna naming banggitin ang merito ng kaso bilang paggalang sa hukuman. Tsk tsk tsk, ginamit na kasangkapan ng mga notoryus na ito ang usaping legal para mapagtakpan ang kanilang modus at maipagpatuloy ang kanilang pambibik-tima.

Nais lamang linawin ng BITAG, hindi namin tinu­tukoy ang kanilang pro­dukto kung ito ay epektibo, kuwalipikado o pasado sa merkado. Ang kuwesti­yo­nable at nakakataas kilay na pamamaraan ng kani­lang paghahanap ng kostu­mer at buyer ang tinutukoy namin na siya rin namang kinukuwestiyon at kino­kundena ng DTI.

Sa pinakabagong bikti­mang lumapit sa aming tanggapan, nakaranas ang mga ito ng panggigipit at pagkulong sa kanila sa loob ng outlet ng isa sa kum­pan­yang ito na nasa loob ng mall.

Ang susunod na hak­bang na gagawin ng BI­TAG, Abangan!

Show comments