^

PSN Opinyon

Paalam, Cory

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ni Presidente Erap, ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, at ang buong pamilya Estrada ay kaisa sa pagluluksa sa pagyao ni Presidente Cory Aquino.

Si Cory ay talagang mahal na mahal ng mga Pilipino at nirerespeto sa buong mundo. Siya ay tinaguriang moral crusader, matatag na lider, at sinsero at matuwid na presidente.

Pinuri siya sa kanyang naging matapang na pamu­muno sa EDSA 1 bilang kulminasyon ng maraming mga protesta noon sa administrasyong Marcos.

Lalo siyang pinapurihan sa kanyang matapat na pamamahala sa ating bansa bilang presidente, kung saan ang kanyang administrasyaon ay hindi nabahiran ng anomalya laluna ng korapsiyon.

Ibayo pang tumaas ang paghanga sa kanya sa kan­yang ginawang pagtitiyak ng maayos na halalan at transition sa pagpapalit ng president ng bansa sa pagta­tapos ng kanyang termino, at sa kanyang mapayapang pagbaba sa puwesto nang walang anumang pagkatukso na mangunyapit sa poder.

Hanggang nitong mga huling panahong nakakayanan pa ng kanyang katawan ay naging aktibo pa rin si Cory sa paglaban sa mga katiwalian sa gobyerno at naging kasama pa rin siya sa mga pagkilos para linisin ang kasalukuyang administrasyon.

Si Cory ay sadyang isang napakagandang regalo ng Panginoon sa sambayanang Pilipino at maging sa buong daigdig. Ang kanyang pagyao ay isang malaking kawalan sa ating pambansang krusada para sa matapat at malinis na pamahalaan.

Akmang-akma ang naging deskripsyon sa kanya bilang naging “most loved woman leader” at “most loved woman president” ng Pilipinas.

Muli… paalam, Cory, at maraming salamat sa lahat ng iyong ipinakitang halimbawa ng tunay na pamumuno sa ating pinakamamahal na bansa.

Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

KANYANG

LABOR AND EMPLOYMENT

PASAY CITY

PILIPINO

PRESIDENTE CORY AQUINO

PRESIDENTE ERAP

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SI CORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with