Corazon Aquino: Imahen ng demokrasya
PUMANAW na si dating President Corazon Cojuangco Aquino, noong Sabado, Agosto 1, 2009. Pumanaw na ang tinuturing na imahen ng demokrasya sa Pilipinas, at baka pa nga sa buong mundo. Matapos ang higit isang taong pakikipagsapalaran sa sakit na cancer ng bituka, pinasya ng Diyos na kunin na ang dakilang pinuno. At dakila talaga si President Aquino, na wala talagang plano at ayaw pasukin ang pulitika. Pero nang pinatay ang kanyang asawa habang pababa na ng eroplanong sinakyan pauwi ng Pilipinas, pinakinggan niya ang hiling ng taong-bayan na ituloy ang laban ni Ninoy at tapatan ang diktaturang Marcos na namuno sa bayan ng dalawang dekada! Hinamong magtawag ng halalan. At nang maging maliwanag na dadayin na siya, sinuporta-han ng mamamayan sa isang mapayapang rebolus- yon na hindi pa nakikita sa Pilipinas, o maging sa ibang bansa. Nabuhay ang “People Power” at nagtagumpay. Lumikas ang diktador, at muling bumalik ang demokras-ya sa Pilipinas! Ito ang panghabambuhay na pamana ni President Corazon Aquino!
Pero ang katangian ng administrasyong Aquino na nangibabaw sa lahat ng administrasyon, lalo na sa kasalukuyan, ay ang masidhing respeto para sa batas. Sinugurado niya na ang kanyang administrasyon ay hindi malalamon ng sistema ng pinalitang diktatura, lalo na sa larangan ng katiwalian at korapsyon. Sa anim na taong nagsilbi sa bayan, walang mga anomalya, mga pagdinig sa Senado o sa Kongreso, imbistigasyon sa iregularidad, scam at kung ano pang katiwalian, ang naganap laban sa kanyang administrasyon.
Minana niya ang lahat ng problema at gulo na iniwan ni Marcos, at nagsikap para ayusin muli ang bansa. Pi-tong coup d’etat ang hinarap niya, pero dahil matindi ang pananampalataya sa Diyos at malakas ang suporta ng tao, hindi tumiklop ang kanyang gobyerno. At nang dumating ang katapusan ng kanyang termino, hindi hinangad ang magtagal pa ng kahit isang araw, at nagpaalam pa ng maayos sa taong-bayan. Hindi pulitiko ang tingin niya sa sarili, at kahit sa kamatayan ay ipinapakita pa niya ito sa pamamagitan ng paglibing sa kanya katabi ang naunang yumaong asawa, sa isang simpleng seremonya lamang.
Naka-ukit na ang pangalan ni President Aquino sa kasaysayan. Wala nang makakagawa nung mga nagawa niya dahil naibalik na ang demokrasya. Sa pinaka madilim na panahon sa kasaysayan ng bansa, siya ang nagsilbing kislap na ilaw, para sumunod ang taong-bayan at makalabas na sa liwanag! Mabigat ang puso at damdamin ng buong bansa sa pagkawala ng isang pinuno, isang imahen, isang ina. Lahat ng ine-enjoy nating kalayaan ay dahil kay President Aquino.
Paalam po at maraming-maraming salamat!
- Latest
- Trending