^

PSN Opinyon

Ang pagyao ni Cory at ang 2010 elections

- Al G. Pedroche -

NO one dies in vain.

Naniniwala ako na ang pagkamatay ni dating Presi­dente Corazon C. Aquino ay magdudulot ng positibong resulta sa halalang pampanguluhan sa Mayo 2010.

Sabi ng iba, nawalan ng importanteng haligi ang demokrasya sa pagpanaw ni Mrs. Aquino. Mali. Sa totoo lang, ngayon lalung naitayong ang haligi ng demokras­yang ito sa pagkamatay ng dating Pangulo.

Nakikita natin sapul nang mamatay ang dating Pangulo noong Sabado ang pagbangong muli ng diwa ng EDSA na simbolo ng nasyunalismo at pag-ibig sa bayan. Ang ibig sabihin, ang sambayanan ay lalung magiging mapag­matyag upang siguruhin na walang madaya at tiwaling politiko ang makalulusot sa 2010 elections. Wika nga ng isang advocacy group: Dapat Karapatdapat.

Ang sabi nga sa aklat ni Juan: Matangi na lang kung mahulog sa lupa at mamatay ang butil ng trigo, hindi ito tutubo at yayabong at mamumunga ng sagana.

Kung papaanong naging makabuluhan ang pagka­matay ni Benigno S. Aquino Jr., ganoon din kasing-kabu-lu­han ang pagpanaw ng asawa niyang si Cory.

Sabi nga ni Bro. Eddie Villanueva ng Bagong Pilipi-nas, Bagong Pilipino Movement kay Cory:

“Her good courage and integrity gave us back the will to believe in our collective power as a people to institute a national change that seemed an utter impossibility then.”

Hindi si Cory ang iniidolo natin kundi ang mga prinsip­yong kanyang pinaninindigan. Maaaring naging kapos siya sa kakayahang bilang administrador pero ang im­portante ay napagbuklod niya ang mamamayan sa iisang layuning buwagin ang diktaduryang sumiil sa demokrasya sa loob ng mahabang pa­nahon.

Wala rin siyang ipina­kitang pagkagahaman sa kapangyarihan kahit ma­rami ang umuudyok sa   kan­yang palawigin pa ang kanyang termino.

Providential ang pagka­matay ni Cory sa panahong nag-uuminit ang lagnat-pulitika sa bansa. Pagunita ito sa lahat ng Pilipinong nagmamalasakit sa ating Inambayan na magkaisa tungo sa pagkakaroon ng isang administrasyong matuwid at may takot sa Diyos gayundin ng kaka­yahang paigihin ang kala­gayan ng bawat mama­mayang Pilipino.

AQUINO JR.

BAGONG PILIPI

BAGONG PILIPINO MOVEMENT

BENIGNO S

CORAZON C

DAPAT KARAPATDAPAT

EDDIE VILLANUEVA

MRS. AQUINO

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with