^

PSN Opinyon

Ganda muna, balewala ang disgrasya!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PATINTERO, larong pambata sa ating bansa kung  saan ang estilo ay lulusutan ng manlalaro ang mga na-ka­bantay o taya upang makatawid lamang sa susunod o kabilang puwesto.

Tinatawag rin ang patintero na haragang-taga dahil oras na hindi ka makaiwas sa mga nagbabantay at ma­hagip ang anumang parte sa katawan ng manlalaro, ikaw ay tatapikin o tatayain.

Subalit sa larong patintero na nakita ng BITAG sa Quezon City Memorial Circle, dalawa lamang ang kaha­hantungan ng mga pedestriyang tumatawid rito.

Kapag minalas na mahagip ng mga rumaragasang sasakyan, pagamutan o libingan lamang.

Mapanganib ang paikot na kalsada ng Quezon Me­morial Circle para sa mga taong tumatawid rito papunta at palabas ng parke.

Ito ay mula sa mga eksperto sa pangkaligtasan sa kalsada ng Metro Manila Development Authority at ang Automobile Association of the Philippines.

Maging sa record ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, nagpapakitang hindi ligtas ang elliptical road ng Quezon Memorial Circle dahil lumala-bas na mas mataas ang aksidente sa tao na namatay at nasugatan.

Natuklasan ng BITAG na isang hindi pagkakain­tindihan sa pagitan ng MMDA at pamunuan ng Quezon Memorial Circle ang namamagitan.

Naglahad na raw ng solusyon ang MMDA sa pa-nganib na kakaharapin ng mga pedestriyan sa lugar na ito, at ito ay ang paglalagay ng kanilang mga footbridge.

Subalit kinontra na-   man raw ng pamunuan ng Quezon Memorial Circle, masisira raw ang kagan­dahan ng buong parke o ang tinatawag ni­tong aesthetic value raw.

Kaya ang sistema, di bale nang maraming ma­dis­grasya basta’t huwag lang masira ang kagan­da­han ng kanilang tanawin.

Kaya naman namagi- tan na ang lokal na pama­ha­laan ng Quezon City kung saan isa ang naitayo na at kasalukuyang isa ang gi­ na­gawa pa na underpass pa­punta at pala­bas ng parke.

Napansin naman ng AAP na kulang sa mga road signs ang elliptical road sa Quezon Memorial Circle.

Kabilang na rito ang mga simbolo kung saan nag­papakitang tawiran ng mga may kapansanan o person with disability.

Ni wala raw nakalagay na speed limit sign sa na­sabing rotunda ng circle kaya walang habas na ru­mara­gasa ang mga sasak­yan. Isang dahilan na hindi pag­kakita ng mga moto­ rista sa mga tatawid na pedes­trian.

Sa underpass, hindi pa lubusang nasolusyunan ang problema. Hindi pa na­­wawala ang panganib, na­bawasan lang para sa mga taong tumatangkilik ng Que­zon Memorial Circle.

AUTOMOBILE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CIRCLE

ENFORCEMENT UNIT

KAYA

MEMORIAL CIRCLE

QUEZON

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with