^

PSN Opinyon

'Chain smoker ang tatay ko'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ang aking ama ay 60-years old na pero patuloy pa rin sa paninigarilyo. Hindi talaga niya maiwasan ang paninigarilyo. Lagi kong pinaalalahanan pero ayaw ma­kinig. Lagi siyang inuubo at ang kanyang mukha ay ma­gaspang. Totoo po bang malaking porsiyento ng Vitamin C at E ang nababawas sa isang tao kapag siya ay lulong na sa paninigarilyo? — PATRICIA CRUZ ng Malabon

Marami nang isinagawang pag-aaral na ang pani­nigarilyo ang dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga, throat, mouth, stomach, pancreas, bladder at rectum. Ang paninigarilyo ay nagiging dahilan ng leukemia. Kalahati ng bilang ng mga naninigarilyo ay namatay dahil sa bisyong ito. Ang pinaka­mabuting magagawa ay sundin ang payo na huwag ma­nigarilyo.

Natuklasan na ang mga naninigarilyo ay may malaking kakulangan sa Vitamin C. Ang Vitamin C kapag nagkulang sa katawan ay mahirap nang lumaban sa mga tinatawag na free radicals na dulot ng sigarilyo. Hindi na maaaring lumaban ang katawan sa nitrosamines – cancer forming agents na nakukuha sa nitrogen compounds ng pagkain.

Sa mga isinagawang tests sa mga naninigarilyo, nakita na 30 percent ang kakulangan nila ng Vitamin C sa kanilang dugo. Para mapunan ang kakulangan nila sa Vitamin C, dapat nilang kumunsumo ng 40-80 mg. ng Vitamin C daily. Nararapat kumain nang maraming prutas at gulay ang naninigarilyo para mapunan ang kaku­langan ng Vitamin C sa katawan. Bukod sa Vitamin C, dapat ding mag-take ng Vitamin E. Ang Vitamin E ay matatagpuan sa wheat germ, avocado, vegetable oils, nuts at seeds.


ANG VITAMIN C

ANG VITAMIN E

BUKOD

DR. ELICA

KALAHATI

LAGI

MALABON

VITAMIN

VITAMIN C

VITAMIN E

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with