WALA nang pinipili ang mga manggagantso at manlo-loko sa panahon ngayon. Mapa-simpleng tao man o kilalang personalidad, nadadale, nakakaladkad ang pangalan at nabibiktima.
Nananawagan si Quezon City Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista hindi lamang sa mga residente ng Quezon City kundi sa buong sambayanan na umiwas sa isang putok sa buhong gumagamit ng kanyang pangalan.
Nakaabot na sa kanyang tanggapan, pati na rin sa BITAG na isang nagpapakilalang Herbert Bautista a.k.a Vice Bistek ang tumatawag sa ilang negosyante at pribadong tanggapan.
Ang banat ng impostor, may nanghihingi raw ng tul-ong sa kanyang tanggapan ang Office of the Vice Mayor at kinakailangan nito ng sponspor. Bilang tulong raw ay ipadala na lamang ang pera sa bank account ng kanya raw sekretarya.
Pagkakuha ng biktima sa account number ng kunwari’y sekretarya ng impostor na si Vice Bistek, magpapadala ang kawawang biktima upang nga nama’y makatulong.
Kinumpirma mismo ni Vice Mayor Bistek na hindi siya tumatawag sa kahit kaninoman o kahit anong tanggapan upang humingi ng tulong lalung-lalo na ang humingi ng pera.
Kontrobersiyal din ngayon ang pagkakaloko ng notoryus na kumpanya ng AOWA sa bise-presidente ng Pilipinas, si Vice President Noli De Castro at tauhan nito.
Maging ang pangalawang pinakamataas na tao sa ating bansa, dinale at biniktima ng mapanlinlang na kumpanyang ito.
Ilang taon na ring napabilang sa surveillance list ng BITAG ang kumpanya ng AOWA dahil sa mapanlinlang na marketing strategy nito sa mga credit card holders.
Sila ‘yung makikita mong mga naka-office attire na sumasalubong sa iyo sa mga kilalang malls at groceries na kunwari ay may promo at nanalo ka dito. Pagkatapos ay ide-demo ang kanilang mga kasangkapang produkto.
Makukuha mo lamang daw ang iyong premyo kung bibili ka ng isa nilang produktong hindi bababa sa kuwarenta mil ang presyo.
Ang masaklap pa rito, kapag nalingat ang biktima at maibigay nito ang kanyang cre dit sa tauhan ng AOWA, patay kang bata ka. Nabayaran mo na ang kanilang produkto ka-hit ayaw mo namang bilhin ito.
Babala lamang ito sa lahat na sa mga panahong ito, kung ang nga prominente, kilala at makapangyarihang tao, nabibiktima, naloloko at nagagamit sa panloloko.
Paano pa kaya ang mga pangkaraniwang tao? Kayo rin ang magpuprotekta sa inyong mga sarili.