^

PSN Opinyon

Problema ng OFW sa Dubai, inihingi ng tulong kay Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay naka­tanggap ng liham hinggil sa problema ng isang OFW sa Dubai.

Narito ang bahagi ng liham. Hindi ko inilathala ang buong pangalan ng mga taong sangkot habang ina­asikaso pa ang problema.

Dear Senator Estrada:

Ako po si Mrs. Desales. Ang asawa kong OFW sa Dubai, UAE, ay nakakulong ngayon sa Rashidiya Police Station matapos mapagbintangan sa kasong Cheating and Fraud. Ang asawa ko ay nagkatrabaho noong November 2007 sa EMIRATES CATERING SERVICES INC. Siya ay nakatakdang umuwi noong June 25, 2009. Pagdating sa immigration, hinuli siya ng immigration police dahil siya daw ay kinakasuhan ng taong nagnga­ngalang Mr. Sayad thru Mashreq Bank. Na-trace daw ng banko na naideposito at na-withdraw ang nawawalang pera ni Mr. Sayad sa account ng asawa ko. Ang aking asawa ay inilipat sa Rashidiya Police Station kung saan ay sinaktan at binugbog siya ng mga pulis upang ipaako ang kaso na hindi naman niya ginawa. Hindi siya tinulungan ng Embahada natin para magkaroon ng abogado sa dalawang hearing kaya guilty ang naging hatol sa kanya. Walang sumuporta sa kanya mula sa ating embahada. Dito sa Pilipinas, kami ay pumunta sa DFA noong June 26. Ang sabi sa DFA, ang aming salaysay ay ipa-fax sa Philippine Embassy sa Dubai para raw maasikaso, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring gumagawa ng paraan upang tulungan siya. Kami ay humi­hingi ng tulong nyo upang ma­iligtas ang asawa ko.

Sa mga susunod kong colum­n ay ilalahad ko ang mga development sa usaping ito.

Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala lang ang inyong mga liham sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipag­pa­umanhin po ninyo na hindi tinutugunan ng tanggapan ang mga solicitation letter.


CHEATING AND FRAUD

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DEAR SENATOR ESTRADA

DUBAI

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

LABOR AND EMPLOYMENT

MR. SAYAD

RASHIDIYA POLICE STATION

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with