^

PSN Opinyon

Pagharap sa mga demonyo

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BUMALIK sa bansa ang Fil-Am na aktibista na umano’y dinakip at tinorture ng militar. Bumalik si Melissa Roxas para kasuhan ang AFP. Labis ang tapang ni Roxas na dapat lang purihin! Ayon sa kanya, dinakip siya ng militar noong May 19, pinahirapan at tinorture, bago pinakawa-lan matapos ang isang linggo. Umalis siya ng bansa dahil sa takot, pero nagpasyang bumalik para ituloy ang kaso laban sa AFP. Suportado siya nang maraming grupo at sektor, nangunguna ang Commission on Human Rights. Miyembro siya ng isang chapter ng Bayan sa Amerika. Sapat na siguro ito para gawin ng militar      ang binibintang ni Roxas sa kanila.

Sabihin nang miyembro siya ng isang grupo na kila-lang kritiko ng administrasyon. Ano naman ang maga­gawang danyos ng isang babae, na halos dayuhan na, na kailangan siyang dakpin at i-torture ng mga armadong sundalo? Naiisip ko na lang ang mga ginawa sa kanya para takutin at magsalita! At babae pa ito! Nasaan ang karangalan na dapat likas sa isang sundalo, sa paggawa ng ganitong krimen? Mataas ang respeto ko sa sundalo, lumalaban para sa kalayaan at kaligtasan ng bansa. Pero kapag nakakarinig ako ng ganitong pangyayari, nawawala lahat iyan. Parang mga masasama at walang galang na pulis na rin sila. Sa buong mundo, hindi tinatanggap ang torture para sa anumang dahilan. Mantsa ito sa isang hukbong sandatahan. Nalathala ang pagsibak sa mga sundalong Amerikano na pinahiya at tinorture ang mga bihag na Iraqi. Ang problema, hindi tayo mga Amerikano na aamin sa mga ginawang kamalian. Natural na sa atin ang tumanggi nang tumanggi, kahit ano pang ebidensiya ang iharap sa korte o sa publiko. Sa administrasyong      ito, kailan ba na may umamin ng kamalian?

Sa pagbabalik ni Melissa Roxas, makikita kung tala­gang may hustisya ang Pilipinas. Kung mapapatunayan na may nangyaring pagdakip at pag-torture, kailangang managot hindi lang ang mga sundalong dawit sa insi­dente, kundi ang mga matataas na ranggong opisyal ng mga sundalo. Hindi ako maniniwala na walang basbas ang mga kilos nila mula sa officer nila.

Babantayan ko ang pagtakbo ng kasong ito. Dapat may katuturan ang pagbabalik ni Roxas, kahit masakit sa kanyang alaala, kahit siguradong nababalutan na naman siya ng takot at pangamba sa pagharap niya sa kanyang mga demonyo!

vuukle comment

AMERIKA

AMERIKANO

ANO

AYON

BABANTAYAN

HUMAN RIGHTS

MELISSA ROXAS

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with