SA ilalim ng Sec. 77 ng Omnibus Election Code, kapag natapos na ang period for filing certificate of candidacy, maari pa ring mapalitan ang kandidato sa alinman sa tatlong dahilan: (a) death; (b) disqualificaton; or (c) mag-withdraw o umatras.
Kapag Comelec ang masusunod, papayag lang sila ng ganitong substitution kapag namatay o na-disqualify ang kandidato. Ayon kay Chairman Jose Melo, masyado na raw nagiging garapal ang nagaganap na pag-negosyo ng kandidatura – mga nagpapabayad para lang umatras sa laban. Ang problema, batas itong nagtatakda na maaring mag-withdraw ang kandidato. Kaya’t sa ayaw o sa gusto ng COMELEC ay kailangan pa ring sundan.
May isa pang dahilan ang COMELEC: Dahil compu-terized na daw ang balota, magiging imposible nang ihabol ang pagprint ng pangalan ng substitute candidates. Kung dati’y manual na sinusulat ang pangalan ng kandidato sa blanko, ngayon, check the box na lang ang sistema. Kapag isulat-kamay ang pangalan, hindi rin ito mababasa ng computer o precinct count optical scan (PCOS) machines.
Subalit ano naman ang kinaiba ng withdrawal sa death o disqualification? Ano man sa tatlo ang rason ng substitution ng kandidato, magiging problema pa rin ang paghabol sa pagprint ng pangalan sa ilalim ng bagong proseso.
Ang panukala ng Comelec ay ibalik ang dating sistema kung saan ang boto para sa kandidatong napalitan o natanggal ay bibilanging boto para sa kandidatong pumalit. Example: Kung mamatay si Sen. De la Cruz sa bispe-ras ng halalan, at palitan siya ni Pandoy, ang boto para kay Sen. De la Cruz (hindi pa siguro kalat na namatay na siya) ay bibilangin para kay Pandoy. Sa ganun ay wala nang problema sa pagpalit ng computerized ballot.
Pero ito man ay takaw-abuso. Paanong pipigilan si X na patakbuhin si Celebrity A para ito ay paatrasin sa huli – bisperas ng eleksyon – at pakinabangan na lamang ang kawalan ng malay ng botante?
At least kumikilos ang Comelec at inaako na problema nga itong kailangang solusyonan. Sa huli ay nasa Kongreso pa rin ang kasagutan.
Subalit sa pinapamalas ng Comelec ay nagiging kampante tayo na unti unting nagbabalik ang malasakit sa ahensyang tagapagtanggol ng ating sagradong karapatan sa isang demokrasya na malayang makapili ng kakatawan sa ating interes.