^

PSN Opinyon

Election by substitution

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SA ilalim ng Sec. 77 ng Omnibus Election Code, kapag natapos na ang period for filing certificate of candidacy, maari pa ring mapalitan ang kandidato sa alinman sa tatlong dahilan: (a) death; (b) disqualificaton; or (c) mag-withdraw o umatras.

Kapag Comelec ang masusunod, papayag lang sila ng ganitong substitution kapag namatay o na-disqualify ang kandidato. Ayon kay Chairman Jose Melo, masyado na raw nagiging garapal ang nagaganap na pag-negosyo ng kandidatura – mga nagpapabayad para lang umatras sa laban. Ang problema, batas itong nagtatakda na maaring mag-withdraw ang kandidato. Kaya’t sa ayaw o sa gusto ng COMELEC ay kailangan pa ring sundan.

May isa pang dahilan ang COMELEC: Dahil compu-terized na daw ang balota, magiging imposible nang ihabol ang pagprint ng pangalan ng substitute candi­dates. Kung dati’y manual na sinusulat ang pangalan ng kan­didato sa blanko, ngayon, check the box na lang ang sistema. Kapag isulat-kamay ang pangalan, hindi rin ito mababasa ng computer o precinct count optical scan (PCOS) machines.

Subalit ano naman ang kinaiba ng withdrawal sa death o disqualification? Ano man sa tatlo ang rason ng substitution ng kandidato, magiging problema pa rin ang pagha­bol sa pagprint ng pangalan sa ilalim ng bagong proseso.

Ang panukala ng Comelec ay ibalik ang dating sistema kung saan ang boto para sa kandidatong napalitan o natanggal ay bibilanging boto para sa kandidatong puma­lit. Example: Kung mamatay si Sen. De la Cruz sa bispe-ras ng halalan, at palitan siya ni Pandoy, ang boto para kay Sen. De la Cruz (hindi pa si­guro kalat na namatay na siya) ay bibilangin para kay Pandoy. Sa ganun ay wala nang problema sa pagpalit ng computerized ballot.

Pero ito man ay takaw-abuso. Paanong pipigilan si X na patakbuhin si Celebrity A para ito ay paa­trasin sa huli – bisperas ng eleksyon – at pakinaba­ngan na lamang ang kawa­lan ng malay ng botante?

At least kumikilos ang Comelec at inaako na pro­blema nga itong kaila­ngang solusyonan. Sa huli ay nasa Kongreso pa rin ang kasa­gutan.

Subalit sa pinapamalas ng Comelec ay nagi­ging kam­pante tayo na unti unting nag­babalik ang malasakit sa ahen­syang tagapagtanggol ng ating sagradong kara­patan sa isang demokrasya na ma­layang makapili ng ka­ka­tawan sa ating interes.

ANO

CELEBRITY A

CHAIRMAN JOSE MELO

COMELEC

CRUZ

KAPAG COMELEC

OMNIBUS ELECTION CODE

PANDOY

SHY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with