'Child snatching o missing person only?'
MARAMI ang hindi nakakaalam na dumarami ang kaso ng mga nadudukot na sanggol o paslit, tinawag ito ng BITAG bilang modus ng child snatching.
At nakaaalarma ang ganitong kaso dahil kung pagbabasehan ang statistika, ang child snatching ay naisa- sama na lamang sa mga kaso ng nawawalang bata o missing person.
Subalit sa imbestigasyon ng BITAG, malaki ang pagkakaiba ng mga kasong nawawalang bata sa mga nadudukot.
Naging interesado ang BITAG na pasukin ang imbestigasyon sa mga kaso ng child snatching dahil sa mga sunod-sunod na inang nagtutungo sa aming tanggapan upang sana’y manawagan lamang.
Lumalabas, may estilong sinusunod ang sindikatong nasa likod ng child snatching, magmula sanggol hanggang dalawang taong gulang na bata ang target ng mga itong dukutin.
Mga edad ng batang hindi pa makakapagsalita at makakapalag sinuman ang humawak o kumuha mula sa kanilang mga magulang.
Bukod dito, karamihan sa mga nadudukot na bata ay nasa mga matataong lugar katulad ng palengke, parke, tianggean at mall.
Sa mga kasong lumapit sa amin, ang mga inang nabiktima ay pawang mga vendor o tindera.
Ayon sa isang crime expert, babae ang laging ginagamit na tirador ng grupo. Mula beinte singko hanggang kuwarenta anyos ang mga ito upang hindi halatang hindi sa kanya ang batang bitbit na kanyang dinukot.
Iisipin lang daw ng kahit sino na ito ay anak niya, kumbaga makikita ang ima-he ng isang pagiging ina.
Mataas din daw ang pagkakataon na hindi pumapa-lag ang batang kanilang kinukuha dahil aakalain lamang ng bata na ito ang kaniyang tagapag-alaga o ang kanyang ina.
Ang tanong, sino nga ba ang awtoridad na lalapitan ng mga magulang na nadukutan ng anak? May task force bang nakatutok sa child snatching? Ano ang dahilan ng sindikato upang mandukot ng mga bata sa murang edad ng mga ito…
Ilan lamang ito sa mga lilinawin namin bukas ng gabi sa IBC 13. Abangan!
- Latest
- Trending