EDITORYAL - Huwag nang pamiliin pa, pulbusin na lang!
NOON pa nagbanta ang Armed Forces of the Philippines sa mga pusakal na Abu Sayyaf pero lagi nang walang saysay ang kanilang banta. Nakatayo pa rin ang mga mamamatay-tao at patuloy sa paghahasik ng kasamaan. Pero nga-yon, totohanan na raw ang pakikipaglaban sa mga pusakal. Banta ng AFP: Sumuko o mapulbos ang Sayyaf! Sabi ni Westmincom commander Maj. Gen. Ben Dolorfino lumiliit na ang mundo ng mga pusakal na nagtatago sa Basilan at Sulu kaya nararapat na sumuko na sila kaysa naman mapulbos. Ang babala ni Dolorfino ay kasunod naman ng utos ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na lansagin na ang mga pusakal. Ang Sayyaf ang dumukot sa tatlong Red Cross volunteer na ang isang bihag ay noong nakaraang linggo lang pinalaya.
Matagal nang namamayagpag ang Sayyaf at marami na silang pinatay. Isang Amerikano na ang pinugutan nila ng ulo at ganito rin ang ginawa nila sa dalawang Pinoy na guro na ang mga ulo ay ikinalat pa sa paligid ng palengke ng Sulu. Walang kasingsama ang ginawa nila sa isang babaing guro na tinapyasan muna ng suso at saka pinatay. At walang kasinglupit ang gina-wa nila sa isang paring Katoliko na kanilang tinortyur (binunutan ng kuko sa kamay at paa) hanggang sa mamatay.
Napundi na ang Defense secretary kaya ipinag-utos ang paglansag sa mga pusakal. Ang utos ay taliwas naman sa naunang pahayag ni Sen. Richard Gordon na bigyan ng amnestiya ang mga pusakal. Maski ang Defense depart- ment ay mahigpit ang pagtutol na bigyan ng amnestiya ang mga pusakal na criminal.
Hindi naman dapat magpainut-inot ang AFP sa gagawing pagpulbos sa Sayyaf. Hindi rin sila dapat tanungin o pamiliin pa. Wala nang tanung-tanong pa sa ganitong uri ng mga tao na walang pagmamahal sa kapwa. Kailangan na silang pulbusin at huwag iwanan kahit katiting na buhay.
- Latest
- Trending