^

PSN Opinyon

'Pabayang Rapist (?)'

- Tony Calvento -

Kelan ba tumama ang akala? Maraming napapahamak sa akala, pakiram­dam mo minsan maayos na ang takbo ng lahat. Sa pagkakahimbing mo sa kama isang araw gigising ka nalang na nasa banig ka na at mapag-iisip isip mo… masyado kang naging komportable.

Ito ang natutunan ni Jemarlyn “Malin” Estajo, 26 taong gulang ng Tondo, Manila matapos huliin ng mga pulis noong July 13 2009 ang kanyang kinakasamang si Pedro Rojas, guwardiya sa Philippine Port Authority (PPA).

July 13 2009, 10:00 ng umaga kasalukuyang nagbabantay si Malin ng kan­yang mga anak ng magsadya sa kanilang bahay ang dalawang lalaking naka-uniporme ng FedEx na nagpakilalang taga Social Security System (SSS).

Salaysay ni Malin ng sabihin niyang nakaduty si Pedro ay nagpumilit ang mga itong magpasama sa kanya sa pinagtratrabahuhan nito at sinabing kailangan nilang agarang makausap si Pedro tungkol sa kanyang SSS ‘loan’.

“Sumama ako dahil sabi nga nila’y importante ang pakay nila kay Pedro at hindi nila alam ang sasakyan papuntang PPA kaya naman ako pa mismo ang nagturo ng daan papunta sa pinapasukan ng asawa ko,” kwento ni Malin.

Laking gulat ni Malin ng pagdating nila sa PPA ay walang pasabing pinosasan nalang si Pedro sa kanyang kamay at nagpakilala ang mga ito bilang mga pulis. 

“Nanlalaki ang mata ko sa nakitang paghuli sa aking asawa, nagulat ako sa pangyayari dahil di ko inaasahang pagpapanggap lang pala ang lahat, mga pulis pala ang mga yun,” pahayag ni Malin.

Tinanong ni Malin kung bakit nila hinuli si Pedro, wala namang naisagot ang mga pulis kung di may Warrant of Arrest sila at naibigay na ito kay PO1 Dan Alano ng PPA.

Agad na kinulong si Pedro sa United Nation Manila Police Headquarters, Detectives Jail. Sinundan ni Malin sa Presinto 5 ng U.N. si Pedro upang tanungin sa mga pulis ang dahilan ng kanyang pagkakulong pero laking gulat niya ng wala na ang mga pulis na dumampot sa kanyang asawa.

Paliwanag kay Pedro ng pulis na kanyang pinagtanungan na nakakaharap pa din siya sa dati nitong kaso na ‘rape’.

“Sabi ko sa mga pulis na taong 2006 palang ay nadismissed na ang kaso ng aking asawa at umurong na ang complainant kaya’t wala ng dahilan para ikulong pa si Pedro pero sabi nila nasa judge na ang kaso at kay Judge Severino Castillo, Branch 48 nalang kami makipag-usap,” salaysay ni Malin.

Ayon kay Malin taong 2006 buwan ng Abril bandang 5:00 ng hapon, kagagaling lamang nila sa Philippine General Hospital upang ipagamot ang kanilang anak na may sakit sa puso ng hulihin si Pedro ng tatlong nakasibilyang pulis dahil sa kasong panggagahasa.

“Walang Warrant of Arrest ang naganap na paghuli kay Pedro nun, basta ang natatandaan ko nagmemerienda kami ng lumapit ang isang pulis habang bitbit ang picture ng asawa ko at sinabing… Brad kilala mo ba ko? At sabay huli sa kanya,” kwento ni Malin.

Kinilala ang nagreklamo na si Nene, di niya tunay na pangalan ‘half sister’ ni Malin na noo’y 13 anyos pa lang.

Kwento ni Malin nung araw na yun ay nagsumbong si Nene kasama ng kanyang ina sa Presinto 2 ng Tondo at sinabi na noong Abril 3 2006, 3:00 ng madaling araw habang natutulog ay tinutukan siya ni Pedro ng kutsilyo, tinakpan ng panyo ang kanyang bibig, ginapos ang kamay at nirape sa posisyong 69.

Iginiit ni Pedro ang panggagahasa kay Nene, salaysay niyang imposible mangyari ang binibintang ng bata dahil para ng anak ang turing niya dito, isa pa’y isang kwarto lang ang laki ng kanilang bahay kaya imposibleng mangyari ang mga kwento ni Nene.

“Paano mangyayari ang mga kinuwento sakin ni Nene, lagi siyang sinasama sa bawat lakad ni Malin dahil nga bago siya sa Maynila ni hindi kami naiwang ma-isa sa bahay,” pahayag ni Pedro.

Naging palaisipan sa mag-asawa kung bakit nagreklamo si Nene ng panggagahasa ngayong maayos naman ang pakikitungo nila dito at ayon sa kanya’y malaki ang paggalang ni Pedro sa kanyang kapatid.

Ang palagay ni Malin ay dahil sa pera ang lahat dahil naalala niyang lumuwas ang kanyang kapatid upang ihingi ng P5,000 at ‘cell phone’ ang kanyang ina matapos nitong malaman na umutang sila sa PAG-IBIG Fund subalit ng di niya ito bigyan ay bigla itong nagpasyang umuwi.

“Sinabi kong di ako makakapagbigay ng hinihingi niyang halaga at cell phone dahil para yun sa aking anak, alam naman niyang may sakit sa puso ang bunso ko, sakto lang ang perang inutang ko pangpagamot.

Nagulat nalang ako ng sinabi bigla ni Nene na ate uuwi muna ko satin kasi buwisit yung asawa mo! At noon ay agad ko siyang binagyan ng P500 pamasahe pauwi at dito na nagsimula ang lahat,” kwento ni Malin.

Dagdag pa ni Malin nakwento ng kanyang kapit bahay na nung araw na pauwi na si Nene sa Pangasinan ay bumalik ito sa kanila at paglabas nito’y dala na nito ang picture ni Pedro na ayon sa kanya’y kapareho ng picture na pinakita sa kanila ng hulihin ni PO1 Cruz si Pedro. Kaya naman lumakas ang kutob ni Malin na baka planado ang lahat at posibleng inutusan ng kanyang ina si Nene kung anung gagawin kapag di ito nakapagbigay ng pera.

Sinubukang kausapin ni Malin ang kanyang ina at si Nene subalit matapos nilang magharap sa presinto ay agad na bumalik sa probinsiya ang mga ito kaya naman wala siyang magawa kundi dalawin nalang sa kulungan si Pedro.

Abril 13 2006, walang awang binugbog si Pedro ng mga pulis, sinabi niya kay Malin na pilit siyang pinapaamin sa panggagahasa kay Nene.

“Nagmamakaawa ang asawa ko nun, kwento niya sa akin pinag­susuntok siya ng mga ito… pinagtutulak… pinagsisipa… at bibatuta ang kamay, wala naman siyang magawa kundi magmakaawa!,” mariing sabi ni Malin.

Dala ng mga salayasay ni Malin unang tinulungan ng aming programang ‘Hustisya Para sa Lahat’ noong Abril 23 2006 si Pedro na marelease for ‘Further Investigation’.

Hulyo 2008, natanggap ni Pedro ang resulusyon ng pagkakadismissed ng kanyang kaso matapos mapatunayang walang matibay na ebidensya ang reklamo ng biktima at matapos lumabas na negatibo sa panggagahasa si Nene sa Medico Legal na pagsusuri.

“Gulong-gulo ang isip ko kung bakit hinuli pa din ang aking asawa gayung dismissed na ang kaso, wala na din ang kapatid ko’t may sarili na din siyang pamilya kaya pumunta ako muli sa inyong tanggapan upang humingi ng tulong kung anu ang gagawin at para mapadali ang proseso ng paglaya ni Pedro, masakit sa loob kong makita siyang nakakulong,” salaysay ni Malin.

Kaya naman sa tulong ng aming tanggapan “Hustisya Para sa Lahat” tinulungan na namin si Malin na ihain ng Motion for Speedy Trial ang kaso ni Pedro upang mapalaya ito sa lalong madaling pahaon.        

ANG SA AMIN LANG DITO SA CALVENTO FILES, naway maging babala ito na di dapat lagi maging kampante. Tinulungan namin itong si Milan, nirelease si Pedro for Further Investigation (RFI) tama na yun para sa kanila, hindi nila pinansin ang Preliminary Investigation kaya lumabas ang resolusyon at hinuli siya dahil sa testimonya ng bata. Kahit na sabihin nating may duda ang sinasabi ng bata dahil nakasaad rin sa Medico Legal Report na “No evident sign of injury at the time of examination” ang ibig sabihin walang nakitang punit o pilat sa ari ng bata. Sa isang usapin na rape kadalasan ang mga testimonya ng “biktima” at nasasakdal ang pinagbabasihan ng isang Investigating Prosecutor. Mabigat ang parusa sa rape… Habang buhay… walang piyansa… at ang kahihiyan na dulot sayo na mabansagang isang RAPIST! Malungkot na isipin na sa isang Preliminary Investigaton, ‘probable cause’ lang ang hinahap kaya naman isang masusing pasusuri ang dapat gawin ng isang IP.

Mabigat ang papel ng Medico Legal Examination report dahil ito ay magpa­patunay, magpapatibay o magbabasura sa reklamong pinag-uusapan at ang testimonya ng isang medico legal na nag-examine sa babae ay pinag-uusapan sa isang lantarang palilitis. Sa kasong ito dahil ‘uncontroverted’ o hindi kinontra ang reklamo nung bata. Tali ang kamay ng taga-usig na itoy resolusyonan base sa impormasyong naisumiti sa kanya. Maaring mapawalang sala si Pedro sa isang paglilitis samantalang sa mga susunod na araw , buwan o taon maiiwan siyang nakakulong sa isang masikip, mainit, at nakakabaliw na selda. Marahas ang batas ngunit yan ang batas! (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email: [email protected]

ABRIL

DAHIL

ISANG

KANYANG

MALIN

PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with