Constante Danguilan, 66
Nakikiramay ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Almar Danguilan porke kinuha ni Lord ang erpat niyang si Constante Danguilan, the other week.
Si Almar, ay kasamahan ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa hanap-buhay.
Si Constante, ay nakaburol ngayon sa kanilang haybol dyan sa Lapu-lapu St., San Gabriel Village, Tuguegarao, Cagayan.
Iniwan ni Constante, si Melanie, asawa nito mga anak na sina Didet, Jojo,Almar at Lala.
Sa July 25, ang libing ng erpat ni Almar.
Mga critics ni SILG Ronnie Puno
Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin alaws epekto ang paninira ng mga kritiko kay DILG Secretary Ronnie Puno, dahil ipinakalat ng mga tsimoso na sisibakin ito ni Prez Gloria Macapagal Arroyo ng magtungo ito sa US of A. Si Ronnie, ay nagpunta sa US of A hindi para magpasarap kundi dumalo ito ng wedding ng kanyang anak at siempre sinabay na rin niya ang medical check-up todits para alam niya ang health niya kapag nagtakbuhan na sa 2010 election.
Ang masama ginawa ito ng katakut-takot na intriga ni Senator Nene Pimentel porke ang pag-alis daw ni Ronnie kasi nga alaws na itong kredibilidad sa malakanin este mali Malacañang pala kaya daw ito pinalitan ni DPWH Secretary Jun Ebdane. Paano ngayon, bumalik si Ronnie at siya pa rin ang DILG Secretary? Ano ang masasabi ni Nene tungkol dito?
Isa pang magandang ginawa ni Ronnie ng bumalik siya sa office ay agad niyang sunupalpal ang sipsipan panukala para sa kaligtasan este mali amnesty pala ng mga bandidong Abu sayad este Sayyaf pala.
Nang alaws pa si Ronnie sa Philippines my Philippines katakut-takot na isyu ang lumabas isa dito ang bigyan ng amnesty ang mga gagong Abu Sayyaf. Tama ba, Executive Secretary Ed Ermita, Your Honor?
Hindi pa nga umiinit ang puwet ni Ronnie sa upuan niya sa office ay mabilis na siyang pinag-report ni Prez GMA para sa isyu regarding Abu sayad este mali Sayyaf pala. Sabi nga, durugin ito! Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang hindi magkaisa ang ‘united’ oppostion kaya naman parang alanganin na sila sa kandidato ng administration.
Napatunayan ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga nagdatingan este mali nagdaan palang mga election sa Philippines my Philippines na katiting ang tsnasa ng isang kandidato na manalo kung mahina ang kanyang political machinery dahilan sa kawalan ng pagkakaisa ng mga lider. Habang papalapit ang 2010 election ay mukhang hindi pa makapag-desisyon ang opposition kung sino ang ipangtatapat nila kay Ronnie. Abangan.
ENIT seminar
May 3-day seminar ang Etheric Nerve Impulse Treatment sa July 27, 2009 para matuto ang mga interesadong madlang people sa ‘nerve therapy’.
May bayad yes you read it right P1,500 ang bayad sa tatlong araw na nerve theraphy seminar na gagawin sa 1 - A Bouganvilla st., corner Balete Drive, New Manila, Quezon City.
Sa mga gustong matuto ng nerve theraphy maaring tumawag sa mga telepono 554-5208 o 4151573 at hanapin si Nini Loscares.
Sabi nga, enroll na!
NBI caller
Isang Ogie blangka, ang itinuturong kolektor ng NBI sa mga sugalan na nakakalat ngayon na parang kabute from Region 1 to 5.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iba ang nabira ng Chief Kuwago the other day na lumabas sa page 2 ng dyaryong ito.
Binibigyan linaw ng mga kuwago ng ORA MISMO, na isang Ogie blangka ang kolector ng NBI sa mga illegal gambling. Paging, NBI Director Nestor Mantaring.
- Latest
- Trending