Makabuluhan ang pahayag ni Father Larry Faraon, OP, na si Presidente Erap ang magliligtas sa Pilipinas sa natatanaw na magulong sitwasyon sa 2010 elections.
Kami ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay naantig sa mensahe ng pinagpipitaganang pari.
Ayon kay Father Larry, sa 2010 automated elections ay inaasahang magkakaroon ng “cyber cheating”. Maraming matatalong kandidato ay aalma laluna’t mahirap maidokumento at masuri ang pandaraya sa computer, at dahil dito ay sa kalsada at sa mga institusyon ng bansa idadaan ng mga kandidato at kanilang supporter ang protesta.
Ang kabi-kabilang mga protesta at kaguluhan aniya ay madaling magagamit naman ng administrasyong Arroyo para magdeklara ng “failure of elections” at martial law at dahil dito siyempre ay magtatagumpay ang pakana ng administrayong ito na manatili sa puwesto.
Pero hindi aniya ito tatanggapin ng taumbayan. malinaw sa mga survey na hindi naging tanggap ng mga mamamayan si Ginang Arroyo bilang lehitimong Presidente ng bansa, at galit din sila sa napakahaba nang listahan ng mga anomalya ng administrasyon, tulad ng fertilizer fund scam, hello Garci, NBN-ZTE deal, hidden dollar deposits, at napakarami pang iba. “Negative 31” na nga ang “rating” ni Ginang Arroyo sa survey sa naturang madilim na senaryo, ayon kay Father Larry, ay walang nakikitang ibang personalidad na may mayoryang suporta ng taumbayan at sapat na karanasan, kasanayan at kapasidad para matagumpay na manindigan at makipaglaban para sa demokrasya at sa interes ng taumbayan – at iligtas ang ating bansa – kundi si Presidente Erap.
Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala ito sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.