^

PSN Opinyon

Si Erap ang magliligtas sa bansa

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

Makabuluhan ang pahayag ni Father Larry Faraon, OP, na si Presidente Erap ang magliligtas sa Pilipinas sa natatanaw na magulong sitwasyon sa 2010 elections.

Kami ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human­ Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay naantig sa mensahe ng pinagpipitaganang pari.

Ayon kay Father Larry, sa 2010 automated elections ay inaasahang magkakaroon ng “cyber cheating”. Maraming matatalong kandidato ay aalma laluna’t ma­hirap maidokumento at masuri ang pandaraya sa computer, at dahil dito ay sa kalsada at sa mga institus­yon ng bansa idadaan ng mga kandidato at kanilang supporter ang protesta.

Ang kabi-kabilang mga protesta at kaguluhan aniya ay madaling magagamit naman ng administrasyong Arroyo para magdeklara ng “failure of elections” at martial law at dahil dito siyempre ay magtatagumpay ang pakana ng administrayong ito na manatili sa puwesto.

Pero hindi aniya ito tatanggapin ng taumbayan. malinaw sa mga survey na hindi naging tanggap ng mga mamamayan si Ginang Arroyo bilang lehitimong Pre­sidente ng bansa, at galit din sila sa napakahaba nang listahan ng mga anomalya ng administrasyon, tulad ng fertilizer fund scam, hello Garci, NBN-ZTE deal, hidden dollar deposits, at napakarami pang iba. “Negative 31” na nga ang “rating” ni Ginang Arroyo sa survey sa natu­rang madilim na senaryo, ayon kay Father Larry, ay walang nakikitang ibang personalidad na may mayoryang suporta ng taumbayan at sapat na karanasan, kasa­nayan at kapa­sidad para ma­tagumpay na ma­nindigan at makipag­laban para sa demo­krasya at sa interes ng taum­bayan – at iligtas ang ating bansa – kundi si Presidente Erap.

Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tem­pore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala ito sa kan­yang tang­gapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.


CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN

FATHER LARRY

FATHER LARRY FARAON

GINANG ARROYO

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

LABOR AND EMPLOYMENT

PRESIDENTE ERAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with