^

PSN Opinyon

God's winnowing process for 2010

- Al G. Pedroche -

NOONG bata pa ako’t nagbabakasyon sa probinsya, nakikita ko ang mga tiya ko na nagtatahip ng bigas bago isaing. Inilalagay sa malaking bilao ang mga butyl at ilang ulit inihahagis sa hangin at muling sinasalo sa bilao upang ang natitirang ipa ay tangayin ng hangin. Winnowing ang tawag diyan sa Inggles.

Nakikinita ko na sa 2010 ay maraming sasabak sa presidential race. Noon lang isang linggo, inihayag umano ni Pampanga Governor Ed Panlilio na handa na siyang bumitiw sa pagka-pari upang sumabak sa eleksyong pampanguluhan. Kakaiba ang darating na eleksyon.   Mara­ming ibig maging presidente ng bansa. Iba-iba ang mo-tibo. Yung iba’y mabuti ang layunin. Yung iba siguro’y “for the fun of it” at mayroon ding “for the funds of it” wika nga.

May ibang “never heard’ ang pangalan na nagpahayag na rin ng intensyong sumabak para lamang magkaroon daw ng genuine reform sa pamamalakad ng pamahalaan. Ano man ang kanilang motibo, pagbigyan natin sila. The more candidates, the better para makapamili nang maa-yos ang taumbayan. Mas maraming alternatibo, mas ma-buti para makilala ang mga may selfish interest at yung mga may mabuting layunin.

Si Bro. Eddie Villanueva ay matatawag na non-traditional alternative candidate na may taginting ang pa-ngalan. Pero tingin ko’y tinitimpla pa rin niya ang tubig kung mainit, malamig o maligamgam bago tuluyang mag-dive sa swimming pool ng pulitika.

Alam ko na bahagi iyan ng plano ng Diyos. Maraming kakandidato na animo’y butil ng bigas na itatahip   ng Diyos para mawala yung mga ipa at tanging ang kanyang anointed lang ang mananalo para mamuno    sa bansa at akayin ito sa daan ng ka­tuwiran.

Iba ang takbo ng pulitika sa Pilipinas. Patakbu- hin ang isang Willie Revilla­me at malamang manalo iyan kahit Presidente dahil popular to the max! Sa Ame­­rika, kahit ang isang dating hindi kilalang Barack Oba­ ma ay may tsansang ma­nalo (tulad nga ng nang- yari) dahil politically ma- ture ang mga Kano. It’s   time we are raised to that level of political maturity. 

BARACK OBA

DIYOS

EDDIE VILLANUEVA

PAMPANGA GOVERNOR ED PANLILIO

SHY

SI BRO

WILLIE REVILLA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with