^

PSN Opinyon

Hindi ko alam 'yan.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

“BILANG isang piskal, responsibilidad na alamin kung paano ang proseso ng paghuli sa isang suspek, akusado o inirereklamo dahil sa paglabag sa batas…”

Eto ang diin ni Department of Justice, Asst. Chief State Prosecutor Richard Fadullon sa BITAG matapos namin itong kapanayamin sa mga importanteng isinasaalang-alang ng mga piskal oras na maendorso ang kaso.

Kinakailangan raw siguraduhin na tama at legal ang pagkakahuli o pagkakadakip sa isang suspek, kauna-unahang dapat inaalam ng piskal sa merito ng kaso.

Ayon kay Asst. Chief Prosecutor, ito ang pinag­ba­basehan ng mga piskal kung kinakailangan bang ituloy ang paglilitis sa kaso o kung ito ba’y released for further investigation.

Oras na iligal o mali ang pagkakahuli sa isang aku­ sado, halimabawa’y inimbitahan raw ang suspek suba-lit pag­dating sa barangay o pulisya ay nakaposas ang suspek.

Dito, maaaring idismiss ng piskal ang kasong kanyang hinahawakan.

Subalit kamot ulo kaming nagtataka kung bakit nang makaharap ng BITAG itong si Fiscal Emmanuel Obungen at tinanong namin ito kung ang isang ini­re­reklamo ay inimbitahan lamang, ano ang maaaring gawin ng suspek?

“Ah, hindi ko alam yan”, malinaw na sagot ng piskal at dokumentado ito ng aming camera. Dito pa lamang naki­kita na ng BITAG na may kabopolan yata sa sagot na ito.

Kung sinasabi ni Asst. Chief State Prosecutor Fadullon na eto ang unang-unang tinitingnan sa paghawak sa    kaso subalit kung tatanungin mo naman ang isang fiscal ay ganito ang isasagot, katatawanan ito.

Ano ba namaing sistema yan, hindi dapat basta-basta ipinagwawalang bahala ang ganitong mga sitwas­yon. Hindi rin dapat gawing katatawanan lamang ang mga kasong dumadaan sa kamay ng mga piskal.

Maliit na pagkakamali lamang ay isang buhay ang magdurusa sa loob ng pi-itan lalo na’t kung inosente ang isang suspek.

Hindi na nais pang isa­ma ng BITAG sa kolum na ito ang merito at impor­masyon ng sinasabi naming kaso dahil kasaluku- yan na itong nasa huku­man.

Ganunpaman, naka- timbre na kay Asst. Chief Prosecutor Fadullon ang kapalpakan ng mga piskal na nasa likod ng kasong tinutukoy namin.

CHIEF PROSECUTOR

CHIEF PROSECUTOR FADULLON

CHIEF STATE PROSECUTOR FADULLON

CHIEF STATE PROSECUTOR RICHARD FADULLON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DITO

ISANG

KUNG

PISKAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with